^

PSN Opinyon

Editoryal - Lutasin ang kaso

-
NOONG nakaraang taon, binaril at napatay ang Young Officer Union (YOU) spokesman na si Baron Cervantes. Hanggang ngayon, hindi pa nalulutas ang pagpatay kay Cervantes. Mabagal ang usad ng hustisya. Noong nakaraang taon din pinatay ang aktres na si Nida Blanca at katulad ng pagpatay kay Cervantes, wala pa ring nakakamit na hustisya si Nida. Mas matindi ang mga naganap na pagpatay may ilang taon na ang nakararaan subalit magpahanggang ngayon, wala pa ring hustisya. Ano nang nangyari sa pagdukot at pagpatay sa PR man na si Bubby Dacer at kanyang driver, kay Edgar Bentain at maraming iba pa?

Kamakalawa, pinagbabaril hanggang sa mapatay ng isang hindi kilalang lalaki si Supt. John Campos habang kumakain sa isang food house sa Parañaque City dakong ala-una ng madaling araw. Nadamay naman ang kaherang si Emily Dumlao makaraang tamaan sa tiyan. Si Campos, 36, ay dating "bataan" ni dating Philippine National Police (PNP) chief at ngayo’y senador Panfilo Lacson. Si Campos ay isinangkot ng dati niyang ka-live-in na si Mary Ong alyas Rosebud sa illegal drug trade.

Ilang oras makaraang patayin si Campos, matapang na sinabi ni Rosebud na si Lacson ang nagpapatay kay Campos. Itinanggi naman ni Lacson ang bintang ni Rosebud. Wala aniya siyang kinalaman sa Campos slay. Nagbanta siyang kakasuhan ng libel si Rosebud.

Hindi nakapagtataka na si Lacson ang ituro ni Rosebud, bukod sa naka-live-in niya si Campos ng ilang taon, kinukumbinse rin niya ang police officer na suportahan siya sa mga akusasyon laban kay Lacson. Matagal na umanong hinihikayat ni Rosebud si Campos na tumestigo laban kay Lacson.

Marami rin naman ang haka-hakang itinumba si Campos upang wasakin si Lacson sa pagtakbo nito sa 2004 elections. Ilang linggo na ang nakararaan, inihayag ni Lacson ang pagtakbo niyang presidente. Ang pagpatay kay Campos ay bahagi umano ng planong sirain ang pagtakbo ng senador.

Malalim ang kaso ng pagpatay kay Campos. Nababalot ng misteryo. Ang masusi at maingat na pag-iimbestiga sa kaso ang dudurog sa mga haka-haka kung sino ang nasa likod ng pagpatay. Kailangang kumilos si Mrs. Arroyo sa madaliang paglutas ng kaso ni Campos. Atasan niya ang PNP at National Bureau of Investigation para madakip ang salarin. Huwag hayaang ang kasong ito ay mapabilang sa mga hindi malutas-lutas na pagpatay sa bansang ito.

BARON CERVANTES

BUBBY DACER

CAMPOS

EDGAR BENTAIN

EMILY DUMLAO

ILANG

KAY

LACSON

PAGPATAY

SI CAMPOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with