^

PSN Opinyon

Trahedya ng mga pasahero

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SUNUD-SUNOD ang trahedya na may kinalaman sa pag-bibiyahe: Bumabagsak ang eroplano at nahuhulog sa bangin ang mga bus. Maraming buhay ang nasasayang. Dapat magkaroon ng imbestigasyon kung bakit nagkakaroon ng aksidente.

Malagim ang sinapit ng mga pasahero ng Falcon bus na nahulog sa bangin sa San Vicente, Tagkawayan, Quezon noong Nobyembre 24. Tatlumpo’t-tatlo ang namatay at walo ang malubhang nasugatan. Batay sa mga pahayag ng mga nakaligtas na pasahero ay nawalan ng preno ang bus. May nagsabi naman na nakatulog ang driver. Ang buhay ng mga pasahero ay nakasalalay sa driver. Sana’y may mga naglakas-loob na punahin ang tsuper kung siya’y inaantok at nagpapatakbo nang matulin.

Sa pagbagsak ng Laoag International Airlines Flight 585 noong Nobyembre 11, 19 na pasahero ang namatay. Ayon sa mga imbestigador naging pabaya ang mga piloto. Dapat na maging mahigpit ang mga airline officials sa pagsisiyasat sa mga eroplano bago ito payagang makalipad.

Marami rin namang malalagim na sea disaster ang nangyari sa nakaraan. Dahil sa sobrang dami at pagsisiksikan ng mga pasahero at bigat ng mga kargamento kaya maraming lumubog na barko. Hindi maibigay ang tamang bilang ng mga namatay sa sea mishap dahil sa ang ibang mga pasahero ay hindi nakatala sa manifesto.

Ngayong Christmas season ay marami ang magsisiuwi sa mga lalawigan. Sasakay sila sa bus, sa eroplano at sa barko. Dapat na maging maingat, handa at alisto sila sa pagbibiyahe dahil baka iyon na ang huli nilang biyahe.

AYON

BATAY

BUMABAGSAK

DAHIL

DAPAT

LAOAG INTERNATIONAL AIRLINES FLIGHT

NGAYONG CHRISTMAS

NOBYEMBRE

SAN VICENTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with