^

PSN Opinyon

Pamanhikan ni Pitoy

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
SI Pitoy ang pinakakilalang binata sa baryo. Nagulat ako nang mabalitaang mayroon na siyang balak pakasalan. Nang magkita kami ay mas lalo akong nagulat. Sabi niya, ‘‘Ikaw ay isa sa ninong.’’

‘‘Hindi ako tatanggi. Saan ba ang kasalan?’’

‘‘Mamamanhikan pa kami,’’ pagpapaliwanag niya.

‘‘Ano? Uso pa ba ’yan e me edad ka na?’’ Siguro’y 10 taon lang ang tanda ko sa kanya noon.

‘‘Kasama ka Ninong, sa pamanhikan. Ikaw ang spokesman ko.’’

‘‘Aprub.’’

Naganap ang pamanhikan isang gabi. Sinimulan ko ang usapan. Ako ang nagsalita. "Gusto na pong manahimik ng mga bata.’’

Umiyak ang nanay ng babaing mapapangasawa ni Pitoy.

‘‘Mawawalan na kami ng anak,’’ sabi.

‘‘Pasensiya na kayo, ganyan talaga ang hahantungan ng babae at lalaki.’’

Waring nagustuhan ng ina ang aking sinabi kung kaya’t siya ay kumalma. Subalit bigla-bigla na lamang at muli siyang umiyak at nagsabing ‘‘Minahal namin ang aming anak, sana mahalin mo rin Pitoy.’’

‘‘Aalagaan ko po ang inyong anak at mamahalin ko po siya ng labis.’’

Pinag-usapan ang detalye ng kasal.

‘‘Mayroon lamang akong dalawang kondisyon. Una, ang kasal ay dapat na isagawa kapag ang buwan ay bilog. Ikalawa, gusto ko ng pinaka-engrandeng kasalan na unang masasaksihan ng buong baryo.’’

‘‘Opo, susundin ko po ang dalawang kondisyon,’’ ayon ni Pitoy at pagkatapos ay tumingin sa akin at nagkibit-balikat.

Nang pauwi na kami ay tanong sa akin ni Pitoy, "Ano ang aking gagawin, Ninong?’’

Napatawa ako ng lihim.

AALAGAAN

ANO

APRUB

IKALAWA

IKAW

KASAMA

MAMAMANHIKAN

NANG

NINONG

PITOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with