^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Aroganteng plano ng Australia

-
NANG isara ng Australia ang kanilang embassy dito sa Pilipinas noong Huwebes ay marami ang nagulantang. Maski ang gobyerno ni President Gloria Macapagal-Arroyo ay nasorpresa. Nagsara ang Australian embassy dahil target daw ito ng pagsalakay ng mga terorista. Hindi man lamang nagbigay ng pasabi ang Australia sa Manila sa ginawang pagsasara ng kanilang embassy. Parang nabastos pa ang Pilipinas.

Bagamat may bahid ng katwiran ang pagsasara ng embassy dahil hindi mabigyan ng seguridad ng Pilipinas, ang pre-emptive strike na gusto ng Australia para sa mga terorista ay hindi naman katanggap-tanggap. Ang kanila ay tuwirang panghihimasok na sa kasarinlan na mga bansa sa Asia. Mag-aasal hari sila sa bansang nais nilang pasukin.

Dapat lamang umalma ang marami sa wala sa sariling balak ni Australian Prime Minister John Howard. Sinabi ni Howard na dapat i-ammend ang United Nations charter para makapaglunsad ang bansa ng pagsalakay sa mga terorista sa ibang bansa. Ang Asia ay pinamumugaran ng mga terorista na konektado naman sa Al-Qaeda ni Osama bin Laden. Si Bin Laden ang itinuturong arkitekto ng pagwasak sa Twin Towers sa New York noong Sept. 11, 2001.

Ang wala sa sariling plano ng Australia ay para makaganti sa madugong pambobomba sa Bali, Indonesia noong October 12 kung saan maraming Australians ang namatay. Ang Jemaah Islamiya ang itinuturong nasa likod ng pambobomba. Sa tinig ni Howard, desidido siyang pigilan ang mga susunod pang pagsalakay ng mga terorista sa kanyang bansa kahit na iyon naman ay magbunga ng panghihimasok sa kalapit na bansa. Para bang masagasaan na ang masagasaan. Sa kabila ng protesta, hindi naman natinag si Howard sa kanyang balak.

Dapat nga lamang na latiguhin ang balak ni Howard tungkol sa balak niyang pag-ammend sa UN charter. Kung ang US ay nagdadalawang-isip sa pagpasok sa mga bansang kinaroroonan ng mga terorista at nahahati ang taumbayan sa pagsalakay sa Iraq at Afghanistan, bakit ang Australia ay walang taros sa plano at parang hindi na nag-iisip. Dapat makinig ang Australian premier sa mga sinasabi ng mga kapitbahay niyang bansa. Hindi magbubunga ng mabuti ang kanilang plano.

ANG ASIA

ANG JEMAAH ISLAMIYA

AUSTRALIAN PRIME MINISTER JOHN HOWARD

DAPAT

HOWARD

NEW YORK

PILIPINAS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SI BIN LADEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with