^

PSN Opinyon

Ang baka ng aking inaanak

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
PUMUNTA si Mang Sidro sa bahay umaga ng Linggo. Hindi siya kumatok subalit napuna ko siya nang medyo nasa hardin na ako.

‘‘Bakit di ka man lamang nagpasabi na narito ka na pala,’’ tanong ko.

‘‘Ayokong maistorbo ang iyong pagtulog,’’ sagot niya. Umupo kami sa silyang metal sa hardin. Tinanggal ni Mang Sidro ang sumbrero nitong buli at dahan-dahang inilapag sa mesa.

‘‘Ano ba ang sadya mo?’’ Tanong ko. Siya at ako ay magkakilala na sa halos 10 taon, subalit kailanman ay hindi naging abusado sa akin. Katunayan, tinatawag niya lamang akong kumpare kapag walang nakakakita o nakaririnig sa amin. Tumayo akong ninong sa kasal ng kanyang anak.

‘‘Kailangan ng inaanak mo ng tulong,’’ sabi niyang may lungkot.

‘‘Anong tulong?"

"Gustong lumipat sa pag-alaga ng baka ang iyong inaanak. Mahina ang ani sa bukid."

Nakukuha ko na ang nais niyang sabihin. Ito ay ang tinatawag na pag-aalaga ng hayop. Sa kaso nito, ako ang tatayong may-ari at ang aking inaanak ang siyang mag-aalaga.

‘‘Bakit hindi siya ang pumunta rito.’’

‘‘Nahihiya siya,’’ sabi ni Mang Sidro.

‘‘Kung hindi siya ang makikipag-usap sa akin hindi ko ibibigay ang hinihiling niya,’’ sabi ko.

Kinabukasan, dumating ang aking inaanak kasama ang asawa. Sinabi ang problema. Kailangan ng perang pambili ng bakang aalagaan.

"Sana noon ka pa nagsabi sa akin. Sana’y marami na tayong baka."

"Nahihiya ako Ninong."

"Sino ba naman ang magtutulungan dito kundi tayo."

Tuwang-tuwa ang inaanak ko. Nang aalis na ito ay mayroon akong ipinakiusap, "Maaari bang dalhan mo ako ng sariwang gatas dito."

"Opo Ninong."

ANO

ANONG

AYOKONG

BAKIT

KAILANGAN

MANG SIDRO

NAHIHIYA

OPO NINONG

SANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with