^

PSN Opinyon

Taguig Mayor Freddie Tinga, bistado ka na!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
PANAWAGAN namin sa publiko, i-report agad sa amin ang sinumang gumagamit ng BITAG I.D. na kanilang pinangangalandakan sa lansangan.

Tandaan! Hindi namigay ng I.D ang BITAG kaninuman. Tanging sa mga official staff member lang ng aming investigative/surveillance group sa TV. Eksklusibong labing-limang (15) miyembro lang kami sa BITAG.

Namataan ng aming mga tipster ang ilan sa mga motoristang nagdidisplay ng pekeng BITAG I.D. sa windshield ng kanilang sasakyan. Bago pa man magamit nila ang aming I.D. sa katarantaduhan, tumulong matuldukan agad ito.

Itawag agad o i-text n’yo sa aming cellphone hotline (0918-9346417) ang mga ‘‘bastardong putok sa buhong’’ hindi namin ‘‘kabalahibo’’ na gumamit ng pangalan ng aming grupo, ang BITAG sa ABC-5.
* * *
Taguig Mayor Freddie Tinga, malaking pagkakamali ang inyong ginawang ‘‘pakikipagsubukan’’ sa BITAG. Tsk…tsk…tsk…

Lamang inumpisahan n’yong ‘‘makipaglaro’’ sa amin sa pamamagitan ng inyong ‘‘deny to death’’ na Municipal Administrator na si Wilfredo Villar, puwes, let the game begins!

Luluwagan namin ng konti ang mahigpit na ‘‘lubid’’ sa inyong Mitsubishi Pajero na may plate number SEU-226, at ang iyong back-up na Toyota Revo na may plate number SFX-739 na aming nasilo ’nung madaling araw nitong October 12. Sariwain natin nang inyong maalaala.

Puno na ang parking lot nitong kilalang-kilalang night club sa Quezon City. Saan kayo pumarada? Di ba sa kalsada na lang ng Quezon Avenue? Hindi ito kalayuan sa club na inyong pinasukan, sa harap na lang ng Meralco Roosevelt Branch.

Ang lahat ng nakasulat sa kolum na ’to ngayon ay suportado ng video footage sa nasabing OPERATION RED PLATE ng BITAG nung madaling araw na ’yon.

Nasa balwarte ka ng BITAG, ang Quezon City. Taguig Mayor Tinga, kaya mo pa bang humirit? At para sa iyong kaalaman, bago namin nai-produce at naipalabas ang segment na ito ginawa na namin ang aming ‘‘assignment.’’ May mga asset kami sa loob ng club nung gabing yun.

Sa aming episode 7 file ng BITAG ’nung October 26, kinatok namin ang pinto ng iyong back-up na Toyota Revo, kung saan nagulantang ang inyong mga natutulog na security sa loob ng sasakyan. Sa harapan lang nila ang inyong Pajero.

Abangan ang ‘‘kakaning baboy’’ na sagot sa BITAG ng Mayor’s office ng Taguig ni Tinga.
* * *
Para sa tips, reklamo’t sumbong, tumawag o mag-text sa mga numerong ito (0918) 9346417 at telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Manood tuwing Sabado, 5:00 to 5:30 ng hapon, ABC-5.

Email us: [email protected] or [email protected]

vuukle comment

AMING

BITAG

INYONG

MERALCO ROOSEVELT BRANCH

MITSUBISHI PAJERO

MUNICIPAL ADMINISTRATOR

QUEZON CITY

TOYOTA REVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with