Ang CBFI ay itinatag ni Heidi Sison at tumatayong presidente nito. Sa unang conference ng CBFI, mariing sinabi ni Sison ang kahalagahan ng pagbubuo ng karakter bilang pundasyon sa pagtatatag ng isang bansa. Ang marubdob na hangarin at layunin ni Sison ay sinuportahan ng Mayors League of Cities of the Philippines. Ang unang conference ay isinagawa sa Tagaytay kamakailan sa pamamagitan ni Mayor Francis N. Tolentino. Humanga si Tolentino sa objectives ng CBFI at ganoon din kay Sison. Ang Tagaytay ang unang nag-volunteer para doon gawin ang unang CBFI conference.
Maraming proyekto ang CBFI at ilan dito ang "Adopt-a-Character" at "Paint the future". Ang "Adopt-a-Character" ay isang touring art exhibition para maiangat ang positive values ng mga Pinoy. Some of our world class painters will create masterpieces sponsored by concerned citizens or institutions which have adopted the character depicted in the painting as personal or corporate image.
Ang "Paint the Future" project ay on-the-spot art contest para sa mga kabataang may edad 12 pababa. Ang tema ng kanilang ipi-paint ay ang kapaligiran na pangarap nilang tirhan.
Ang mga proyektong ito ay isasakatuparan ng CBFI sa buong bansa.