Ang Character Building Foundation, Inc.
December 1, 2002 | 12:00am
HINDI muna ako tatalakay nang may kinalaman sa usaping medikal ngayon at sa susunod ko pang mga column. Bibigyan ko ng daan ang tungkol sa Character Building Foundation, Inc., isang organisasyon na may kinalaman sa pagbubuo ng karakter ng mga Pinoy. Masasabi kong malaki ang maidudulot ng pagbubuo ng character para sa pag-unlad ng isang nasyon. Nakasalalay dito kung paano mahuhubog ang isipan na maging positibo na magiging daan sa pananagumpay ng bawat Pilipino.
Ang CBFI ay itinatag ni Heidi Sison at tumatayong presidente nito. Sa unang conference ng CBFI, mariing sinabi ni Sison ang kahalagahan ng pagbubuo ng karakter bilang pundasyon sa pagtatatag ng isang bansa. Ang marubdob na hangarin at layunin ni Sison ay sinuportahan ng Mayors League of Cities of the Philippines. Ang unang conference ay isinagawa sa Tagaytay kamakailan sa pamamagitan ni Mayor Francis N. Tolentino. Humanga si Tolentino sa objectives ng CBFI at ganoon din kay Sison. Ang Tagaytay ang unang nag-volunteer para doon gawin ang unang CBFI conference.
Maraming proyekto ang CBFI at ilan dito ang "Adopt-a-Character" at "Paint the future". Ang "Adopt-a-Character" ay isang touring art exhibition para maiangat ang positive values ng mga Pinoy. Some of our world class painters will create masterpieces sponsored by concerned citizens or institutions which have adopted the character depicted in the painting as personal or corporate image.
Ang "Paint the Future" project ay on-the-spot art contest para sa mga kabataang may edad 12 pababa. Ang tema ng kanilang ipi-paint ay ang kapaligiran na pangarap nilang tirhan.
Ang mga proyektong ito ay isasakatuparan ng CBFI sa buong bansa.
Ako at aking maybahay na si Yvonne ay binabati ang aming anak na si Tranquilino Rene Nite Elicaño III ng isang maligayang kaarawan.
Ang CBFI ay itinatag ni Heidi Sison at tumatayong presidente nito. Sa unang conference ng CBFI, mariing sinabi ni Sison ang kahalagahan ng pagbubuo ng karakter bilang pundasyon sa pagtatatag ng isang bansa. Ang marubdob na hangarin at layunin ni Sison ay sinuportahan ng Mayors League of Cities of the Philippines. Ang unang conference ay isinagawa sa Tagaytay kamakailan sa pamamagitan ni Mayor Francis N. Tolentino. Humanga si Tolentino sa objectives ng CBFI at ganoon din kay Sison. Ang Tagaytay ang unang nag-volunteer para doon gawin ang unang CBFI conference.
Maraming proyekto ang CBFI at ilan dito ang "Adopt-a-Character" at "Paint the future". Ang "Adopt-a-Character" ay isang touring art exhibition para maiangat ang positive values ng mga Pinoy. Some of our world class painters will create masterpieces sponsored by concerned citizens or institutions which have adopted the character depicted in the painting as personal or corporate image.
Ang "Paint the Future" project ay on-the-spot art contest para sa mga kabataang may edad 12 pababa. Ang tema ng kanilang ipi-paint ay ang kapaligiran na pangarap nilang tirhan.
Ang mga proyektong ito ay isasakatuparan ng CBFI sa buong bansa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended