Ayon sa mga kinatawan ng mga embahada ang pagsara ay bunsod ng mga impormasyon na ang nasabing mga embahada ay kabilang sa target ng mga terorista.
Bagamat hindi maganda ang pagtanggap ng pamahalaan sa desisyong pansamantalang pagsara ng mga nasabing embahada, wala namang magawa ang kinauukulan kundi tanggapin ang desisyong indefinite closure ng tanggapan ng dalawang bansa.
Ang Makati Business Club ay nagpahayag ng pagka-dismaya sa pangyayari. Ayon sa MBC, hindi na naman makabubuti iyon sa kalagayang pang-ekonomiya ng bansa. Ang pagsasara ng mga embahada ay muling pagbabadya ng investor flight, o muling paglikas ng mga mangangalakal sa bansa.
Hindi maikakaila na ang Canada at Australia ay pawang mga pangunahing bansa na malaki ang impluwensiya hindi lamang sa kalakal, kundi sa mga usaping pandaigdig. Kayat kung magpapatuloy nang matagal ang pagsara ng mga embahada ng mga ito, malaki na namang sakit ng ulo ito para sa ating mga negosyante at mga overseas Filipino worker (OFW).
Ngunit dapat nga ba tayong mabahala sa mga kaganapang ito, lalo nat nalalapit na ang kapaskuhan? Ano ba talaga ang dapat nating ipangamba, ang sanhi, o ang bunga ng pangyayaring ito? Naway hindi naman ito magdulot ng mas malaking sakuna para sa ating mga kababayan.