Mahirap paniwalaang pinagmumura siya ni Perez sa loob ng sarili niyang tahanan. Itoy isang bagay na pampelikula lang. Sa pelikula, madalas nating mapanood ang mga kongresistang kontrabida. Hantarang nakikipag-transaksyon sa droga at kung anu-ano pang ilegal. Hindi nagaganap iyan sa tunay na buhay. Siyempre laging may dummy na pumapapel para sa isang "iginagalang" na tao. If I were of Perez stature, I may probably be corrupt but would embark on a semblance of finesse. Kunyari matino. Ang isang opisyal na tiwali lalu pat sing-taas ng posisyon ni Perez ay hindi magpapahalata.
Ang isang de kalidad na magnanakaw ay mukhang maamong tupa. Kaya hindi natin ubrang husgahan ang aklat sa kanyang pabalat. Sa pahayag ni Jimenez, marami daw malalaswang salita ang ibinato sa kanya ni Perez. Malalaswa na hindi ko kayang bigkasin o isulat sa kolum na ito.
Pero dahil alam na ng buong mundo ang pangit na akusasyon laban kay Perez, dapat itong siyasating maigi. Hindi ubrang sabihin na problema ni Jimenez na patunayan ang alegasyon. Alam nyo naman kung paano humusga ang tao. Paratang pa lang ay sentensyado na ang pinaratangan. Like it or not, Secretary Perez, the burden to disprove the allegation, whether with or without basis, is upon your shoulder. Maaari ngang may motibo si Jimenez komo may nakabinbing extradition case laban sa kanya. In any case, nadungisan ang imahe ni Perez na lubhang makakasagabal sa kanyang tungkulin bilang Justice Secretary.
At kahit totoo ang akusasyon ni Jimenez, parang inamin na rin niya ang sarili niyang katiwalian. Huwag niyang sabihing "extortion" ang nangyari. Kung sa palagay niyay wala siyang kasalanan wala siyang dapat ikatakot. Kongresista siya at kahit pa siya arestuhin, tiyak kong papanig sa kanya ang hustisya. Kung wala siyang kasalanan.