^

PSN Opinyon

Mayor Nene Aguilar, aksiyunan mo ang problema ng taga-Veraville!

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
LAS PIÑAS CITY Mayor Nene Aguilar, tumingin ka ng diretso. Huwag kung saan-saan. Wala kaming pakialam kung sinong higante o duwende na Hestas, Hudas at Barabas ang aming masasagasaan at matatamaan.

Kung hindi nagtagumpay ‘yung mga talpulanong mga kapatid namin sa industriya na sumubok tuwirin ang inyong baluktot na gawain, hindi kayo uubra sa BITAG.

Itaga n’yo sa bato, makakamtan namin ang resulta ng aming ninanais. Simpleng problema lang ang inirereklamo ng mga residente ng Veraville Townhomes Manuela Subdivision. Kaya n’yong lutasin ang problemang ito kung gugustuhin n’yo. At kung tutuwirin ninyo ang inyong mga nakatuwad na kukote.

Tingnan n’yo ang tunay na dahilan ng problema, kung kulang ang mga rasyon ng tubig sa mga nagdurusang residente eh di dagdagan.

‘Yang maantot na tubig na lumalabas sa inyong mga water pump, alamin n’yo kung bakit.

Huwag n’yo kaming antayin pang magpadala ng BITAG surveillance team. Baka makitaan pa namin kayo ng mga tinatago n’yong bantot na hindi pa nababanggit ng mga residente sa nasabing subdivision.
* * *
Good day Mr. Tulfo!

Please help us regarding the lack of action of the developers of Veraville Townhomes Manuela Subdivision, Las Piñas City in our water problem.

It’s been two years since all residents were suffering from lack of water supply in our subdivision. No action has been made by the developer until now.

The contract between the developer and homeowners stated that ample supply of water is one of the unit-owners‚ privileges. But here in our subdivision, homeowners are not lucky enough to have such privilege!

We already asked the help of various programs, such as Saksi, MGB, and Mission X, but none of them alleviate our sufferings.

Mr. Bogs Guerrero of Abante Tonite already wrote an article regarding this, but unfortunately, our mayor Mr. Nene Aguilar who happens to be the owner/developer did not give a heed.

Thank you so much.


Para sa tips, reklamo’t sumbong tumawag o mag-text sa mga numerong ito (0918)9346417 at telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 kHZ,

Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Manood tuwing Sabado, 5:00 to 5:30 ng hapon, ABC-5.

Email us: [email protected]/[email protected]

HUWAG

KUNG

LAS PI

MAYOR NENE AGUILAR

MISSION X

MR. BOGS GUERRERO OF ABANTE TONITE

MR. NENE AGUILAR

MR. TULFO

VERAVILLE TOWNHOMES MANUELA SUBDIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with