BOC show window sa NAIA, pwe!
November 26, 2002 | 12:00am
SANDAMAKMAK ang mga balasubas at mambabakal dyan sa BOC-NAIA kaya kinatatakutan ng mga biyahera ang lugar na ito lalot bagong dating galing abroad.
Noon ay ayaw pansinin ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang sumbong ng ilang biyahera pero nang makulingking ang tenga nila ay nagpasyang panoorin ang operation ng dalawang gago at gurang na customs appraisers.
Pananakot at pambabakal ang operation ala-desert storm ng dalawang gurang na customs appraisers ng maobserbahan ng mga kuwago ng ORA MISMO nang dumating ang tatlong dating mga biyahera sa terminal 2 ng NAIA dalawang linggo na ang nakakaraan.
Walang taxable goods na bitbit ang mga ito, allowed kilos lamang ang dala nilang mga bagahe pero pilit pinabuksan ng dalawang gagong gurang. Ang masama ay pinagtinginan sila sa airport ng mga pasahero sa buong pag-aakalang sila ay mga smugglers. Malaking dagok ito sa kanilang pagkatao. Di ba, Customs Commissioner Tony Bernardo, Your Honor?
Nakita ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang kakaibang treatment sa kanila ng mga gagong gurang kasi smugglers ang dating nila sa mga taong nakapaligid sa kanila ng mga oras na iyon.
"Mahirap talagang baguhin ang imahe ng customs hanggang hindi nawawala ang mga tarantado rito," anang kuwagong suwapang sa pitsa.
"Dati sa Pascual Liner lang nakasakay ang mga gurang na tirador nang wala pang mga sungay, nang mamantikaan, grabe ang mga ito," sabi ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
"Hayaan mo may araw din sila."
"Kanino?"
"Kay kamatayan. Waiting sila sa impiyerno, he-he-he!"

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended