Subalit sa kahabaan ng McArthur Highway, Valenzuela City, simula ng Brgy. Malanday hanggang sa Dalandanan, matagal nang mala-ilog ang itsura ng lansangang ito.
Kinapos na daw kayo ng pondo sa proyektong ito. Kaya magtiis muna ang publiko sa binaboy na trabahong ito ng DPWH.
Umurong ang mga bayag ng DPWH na maglagay ng ipinagmamalaki ninyong billboard. Magmumukha kasi kayong parang gago. Mabababoy ang inyong ginagamit na slogan GMA CARES kapag ginawa nyong magtirik ng billboard dito!
Napansin ng BITAG surveillance team na may billboard si Senadora Loi Ejercito Estrada na nakatirik sa kahabaan ng nasabing lansangan. Base sa aming imbestigasyon, ang pondong nailaan lamang pala ng senadora ay tatlong milyon peso lang pala.
Ang problema sa DPWH ay tira ng tira lang. Hukay ng hukay nang makapagsimula agad ang inyong mga kontratista. Hindi nyo ata tinitingnan ang kabuuang proyekto at hindi nyo isinaalang-alang ang nakalaang pondo dito kung hanggang saan ito aabutin.
Sinira nyo ang mga nabanggit na lansangan na tinamaan ng proyektong ito. Inumpisahan nyo agad. Hindi nyo man lang tinantiya kung hanggang saan kayo aabutin sa pondong nakalaan nung mga panahong yon?
Matalino ang inyong mga project engineers pagdating sa bilangan ng pera at komisyong kanilang kikitain. Hindi masisisi ang taumbayan ang natanim sa kanilang isipan na saksakan ng mga dupang, balasubas, hunghang at kawatan ang inyong kawawang tanggapan.
Pahabol, Secretary Datumanong, bantayan nyo si District Engineer Bernie Moreno. Kaya daw nitong maglaro ng golf kahit sa oras ng trabaho. Kaya naman nagkakanda-utal-utal sa kanyang paliwanag sa programa kong Imbestigasyon ng Bahala si Tulfo sa DZME 1530 nitong nakaraang Biyernes ng umaga.
Nagsalita pa raw ito, di bale siya maipot sa kanyang karsunsilyo sa kahihiyan, kaya nya raw tiisin. Ayon sa kanya, patas at parehas naman daw ang aking kolum. Tsk tsk tsk.