^

PSN Opinyon

DPWH Sec. Datumanong, para sa iyo 'to

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS and HIGHWAYS (DPWH) SECRETARY SIMEON DATUMANONG, nakasanayan na ng publiko ang nakasulat na ‘‘GMA CARES’’ sa bawat proyekto na mababasa sa mga billboard na inyong ipinagmamalaki sa lansangan.

Subalit sa kahabaan ng McArthur Highway, Valenzuela City, simula ng Brgy. Malanday hanggang sa Dalandanan, matagal nang mala-ilog ang itsura ng lansangang ito.

Kinapos na daw kayo ng pondo sa proyektong ito. Kaya magtiis muna ang publiko sa binaboy na trabahong ito ng DPWH.

Umurong ang mga bayag ng DPWH na maglagay ng ipinagmamalaki ninyong billboard. Magmumukha kasi kayong parang gago. Mabababoy ang inyong ginagamit na slogan ‘‘GMA CARES’’ kapag ginawa n’yong magtirik ng billboard dito!
* * *
Secretary Datumanong, hindi maiwasan maglaro sa isipan ng taumbayan na may halong pulitika ang proyektong ito, lalo na’t kapag mapagmasid ang tumitingin.

Napansin ng BITAG surveillance team na may billboard si Senadora Loi Ejercito Estrada na nakatirik sa kahabaan ng nasabing lansangan. Base sa aming imbestigasyon, ang pondong nailaan lamang pala ng senadora ay tatlong milyon peso lang pala.

Ang problema sa DPWH ay tira ng tira lang. Hukay ng hukay nang makapagsimula agad ang ‘‘inyong’’ mga kontratista. Hindi n’yo ata tinitingnan ang kabuuang proyekto at hindi n’yo isinaalang-alang ang nakalaang pondo dito kung hanggang saan ito aabutin.

Sinira n’yo ang mga nabanggit na lansangan na tinamaan ng proyektong ito. Inumpisahan n’yo agad. Hindi n’yo man lang tinantiya kung hanggang saan kayo aabutin sa pondong nakalaan nung mga panahong ’yon?

Matalino ang inyong mga project engineers pagdating sa bilangan ng pera at komisyong kanilang kikitain. Hindi masisisi ang taumbayan ang natanim sa kanilang isipan na saksakan ng mga dupang, balasubas, hunghang at kawatan ang inyong kawawang tanggapan.

Pahabol, Secretary Datumanong, bantayan n’yo si District Engineer Bernie Moreno. Kaya daw nitong maglaro ng golf kahit sa oras ng trabaho. Kaya naman nagkakanda-utal-utal sa kanyang paliwanag sa programa kong Imbestigasyon ng Bahala si Tulfo sa DZME 1530 nitong nakaraang Biyernes ng umaga.

Nagsalita pa raw ito, di bale siya maipot sa kanyang karsunsilyo sa kahihiyan, kaya n’ya raw tiisin. Ayon sa kanya, patas at parehas naman daw ang aking kolum. Tsk…tsk… tsk.
* * *
Para sa tips, reklamo’t sumbong tumawag o mag-text sa mga numerong ito (0918) 9346417 at telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Manood tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon, ABC-5. Email us: [email protected] / [email protected].

AYON

BIYERNES

DISTRICT ENGINEER BERNIE MORENO

KAYA

SECRETARY DATUMANONG

SENADORA LOI EJERCITO ESTRADA

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with