Overcharging? Pobreng Meralco
November 25, 2002 | 12:00am
ELECTRIC consumer din ako na dapat matuwa sa atas ng Korte na mag-refund ang Meralco dahil sa multi-bilyong pisong "overcharging" sa subscribers. Pero tingnan muna natin ang epekto nito. Makabubuti ba o makasasama?
Kung may dapat sisihin sa "overcharging", ito ay ang gobyerno. Ang Energy Regulatory Board (ngayoy Energy Regulatory Commission) ng pamahalaan ang nag-aaproba sa power rate. At komo ang singil ng Meralco ay aprobado ng ERB, itoy legal saan mang anggulo silipin.
Pinag-uusapan pa kung paano ang gagawing pagsasauli ng Meralco ng sinasabing "sobrang singil" ngunit maraming mamamayan ang natutuwa na. Pero kung itoy ikababagsak ng kompanya at magreresulta sa pagkaputol ng serbisyo, di ba taumbayan ang magdurusa?
Under question ang pagtrato ng Meralco sa income tax bilang operating expense na ubrang bawiin sa consumers. Pero itoy isang standard formula ng mga public utilities na ipinatupad nang ayon sa batas. Sa ibang mga desisyon ng ERB na nagdaan din sa Korte Suprema, ang income tax ay trinatong operating expense. Anim na iba pang power utilities ang binigyan ng tax recovery mechanism tulad ng Cotabato Light at San Fernando Electric. Ang pagtrato sa income tax bilang operating expense ay ginagamit din ng NAPOCOR at iba pang power firms sa Asia-Pacific region na pawang umuutang sa Asian Development Bank at World Bank.
Di kaya ginigipit ng gobyerno ang Meralco para muling makamkam ang kompanya? Kung mangyayari ito, iigi ba ang serbisyo? Bababa ang halaga ng kuryento o itoy magiging bagong gatasan ng mga hunghang sa pamahalaan? Baka mula sa pagkakasalang sa kawali, tayoy lumulundag na sa apoy!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended