Ang Ebanghelyong ibinigay para sa kapistahang ito ay mula kay San Mateo ang tungkol sa paghuhukom na ipapahayag sa mundo ni Jesus, ang Hari (Mt. 25:31-46).
Darating ang anak ng Tao bilang Hari, kasama ang lahat ng anghel, at luluklok sa kanyang maringal na trono. Sa panahong iyon, matitipon sa harapan niya ang lahat ng tao. Silay pagbubukud-bukurin niya, tulad nang ginagawa ng mga pastol sa mga tupa at mga kambing. Ilalagay niya sa kanyang kanan ang mga tupa at sa kaliwa ang mga kambing. Sasabihin ng Hari sa mga nasa kanan, Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda para sa inyo mula pa ng likhain ang sanlibutan. Sapagkat akoy nagutom at inyong pinakain, nauhaw at inyong pinainom. Akoy isang dayuhan at inyong pinatuloy. Akoy walang maisuot at inyong pinaramtan, nagkasakit at inyong dinalaw; akoy nabilanggo at inyong pinuntahan. Sasagot ang mga matuwid, Panginoon, kailan po namin kayong nakita nagutom at aming pinakain, o nauhaw at aming pinainom? Kailan po kayo naging dayuhan at aming pinatuloy, o kayay walang maisuot at kayoy aming pinaramtan? At kailan po namin kayo nakitang may sakit o nasa bilangguan at aming dinalaw? Sasabihin ng Hari, Sinasabi ko sa inyo: Nang gawin ninyo ito sa pinakahamak sa mga kapatid kong ito, ito ay sa akin ninyo ginawa.
At sasabihin naman niya sa mga nasa kaliwa, Lumayo kayo sa akin, mga sinumpa! Kayoy pasaapoy na di-mamamatay, na inihanda para sa mga diyablo at kanyang mga kampon. Sapagkat akoy nagutom at hindi ninyo pinakain, nauhaw at hindi ninyo pinainom. Akoy naging isang dayuhan at hindi ninyo pinatuloy; akoy nawalan ng maisuot at hindi ninyo pinaramtan. Akoy may sakit at nasa bilangguan at hindi ninyo dinalaw. At sasagot din sila, Panginoon, kailan po namin kayong nakitang nagutom, nauhaw, naging dayuhan, nawalan ng maisuot, may sakit o nasa bilangguan, at hindi namin kayo pinaglingkuran? At sasabihin sa kanila ng Hari, Sinasabi ko sa inyo: Nang pagkaitan ninyo ng tulong ang pinakahamak sa mga ito, ako ang inyong pinagkaitan. Itataboy ang mga ito sa kaparusahang walang hanggan, ngunit ang mga matuwid ay tatanggap ng buhay na walang hanggan.
Nakakaluwag ng kalooban ang pagbasa sa talinghagang ito. Subalit dapat din itong magbabala sa atin. Hindi na natin kasamang pisikal ngayon si Jesus. Subalit itinuturing niya ang kanyang sarili bilang kasa-kasama ng bawat tao araw-araw, lalo na ang mga mahihirap at mahihina. Bawat tao babae o lalaki man, bata o matanda ay nagiging sakramento ni Jesus. Tiyakang sinasabi sa atin ng Ebanghelyo na bawat gawin natin sa ating pinakahamak na kapwa ay ginagawa natin kay Jesus. Kahit sinuman ay maaaring magbigay ng isang basong tubig sa isang kapwang nauuhaw. Maaaring mangangailangan nang mas ibayong pagpupunyagi upang dumalaw sa mga maysakit, o dumalaw sa mga taong nasa bilangguan. Subalit magagawa natin ang mga ito.
Huwag ninyong ipagwawalang-bahala si Jesus na nasa mga maralita at mga pinakahamak. Maaari kayong maging tupa o di kayay kambing. Maaari ninyong gawing Hari si Jesus ngayon at magpakailanman.