^

PSN Opinyon

Jueteng financer tatakbong TONGresman sa Quezon

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
NGAYON pa lang ay nagbabalak na ang mag-amang abnoy kung sino sa kanilang dalawa ang tatakbong TONGresman sa second district ng Quezon sa 2004 National Election. Ang second district ng Quezon ay kinabibilangan ng Candelaria, Tiaong, Lucena City at Sariaya.

Nag-ja-jack en poy, ang mag-amang abnoy para malaman kung sino sa kanila ang tatanghaling kampeon sa nasabing abnormal game dahil ang mananalo sa kanila ang bobotak na tongresman sa kanilang lugar. Hindi ba crazy ang dating?

May sayad ang mag-tatay kasi addict si Anak samantala si Ama ay isang bigtime financer ng jueteng se Lucena City.

Ayon sa mga bulong brigade ng mga kuwago ng ORA MISMO, nagpaparamdam na ang mag-ama sa kanilang mga constituent porke panay na ang free medicine ng addict na anak sa kanyang mga katoto samantala si Ama ay panay ang pamigay ng pitsa sa kanyang mga saradong supporters.

Bigtime ang pamilya ni Amato sa Lucena kasi bukod sa matandang gago ito este mali, pulitiko pala. Ito ang financer ng super quick number game sa nasabing probinsiya.

Kasama niya ang grupo ni Charing, ang kilabot na jueteng queen sa South, kasi kung magbuhos ng pera sa nabanggit na lugar ay grabe. Tatlong beses ang dayaan-bolahan ng jueteng ni Charing. Take note, wala ka nang magawa dito, DILG Secretary Joey Lina, Your Honor!

Paging Lucena Mayor Ramon Talaga, talaga bang hindi mo alam ang kinukuwento ng mga kuwago ng ORA MISMO na nangyayari sa bayan mo? Just asking?

Ang anak ni Amato ay isang pulpol na pulitikong dupang sa drugs. Pinagmamalaking kapartihan este mali kapartido pa raw nila si Prez Gloria? Totoo kaya ito? Sana nga!

Sa Corinthian, QC, daw nakatira si Amato for info. Para sa mga taong No Permanent Address ganito kagrabe ang laki ng kinurakot na pera na kinukuwento ng mga kuwago ng ORA MISMO sa inyo.

Malaki pa raw ang naging komisyon nito sa isang proyekto diyan sa Quezon pero sinasalat pa ng mga kuwago ng ORA MISMO ang nasabing information?

‘‘Sino kaya sa dalawang abnoy ang tatakbong TONGresman sa 2004 election?’’ tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.

‘‘Ang jueteng financer na ama o ang dupang na anak?’’ anang kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Sa palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO ang dupang na anak porke panay na raw ang pamigay ng gamot sa kanayunan?’’

‘‘Dapat magising ang mga botante dito biruin mo isang jueteng financer at isang dupang ang nagja-jack en poy para sa 2004?’’

‘‘Ganyan talaga ang mga flip.’’

‘‘Korek ka diyan, kamote!’’

vuukle comment

AMATO

LUCENA CITY

NATIONAL ELECTION

NO PERMANENT ADDRESS

PAGING LUCENA MAYOR RAMON TALAGA

PREZ GLORIA

QUEZON

SA CORINTHIAN

SECRETARY JOEY LINA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with