^

PSN Opinyon

Kapwa may-ari ng lupa

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Sina Arsenio at Marta ay kapwa nagmamay-ari ng dalawang lupa. Lot 1052 na may sukat na 4,630 metros kuwadrados, at lot 1091 na may sukat na 4,633 metros kuwadrados. Kapwa nila minana kay Anita ang mga lupa. Para mapadali ang pagpapatitulo, pumayag si Marta na ang mga lupa ay irehistro sa pangalan ni Arsenio. Pumirma naman si Arsenio ng isang dokumento na nagpapatunay na ang pagpayag ni Marta ay ginawa upang mapabilis ang pagpapatitulo. Dahil dito, agad na nakakuha ng titulo si Arsenio na nakarehistro sa pangalan niya ang mga lupa. Upang maprotektahan ang interes ni Marta sa mga lupa, gumawa ng isa pang dokumento si Arsenio bilang patunay na kalahati ng mga lupang 1091 at 1052 ay sa kanyang kapatid na si Marta at hati rin silang dalawa sa pagbebentahan ng mga lupa ng gawing subdibisyon ang mga ito.

Lingid sa kaalaman ni Marta, ipinagbili ni Arsenio ang lupang 1052 sa halagang P20,000. Hindi rin ibinigay ni Arsenio ang parte ni Marta. Nalaman lamang ito ng anak ni Marta na si Solita nang mamatay ang kanyang ina dahil babayaran niya ang buwis para sa dalawang lupa. Nang hindi binigyang pansin ni Arsenio na mag-usap sila ng anak ni Marta tungkol dito, idinemanda ni Solita at ng kanyang mga kapatid si Arsenio. Dahil hindi ibinigay ni Arsenio ang parte ng kanilang ina ng ibenta ang lupang 1052, dapat hiniling nina Solita na ang lupang 1091 ay ibalik kay Marta o sa kanyang mga tagapag-mana bilang co-owner. Tama ba sila?

Tama.
Ang layunin ng dokumentong pinirmahan ni Marta ay para mapadali ang pagpapatitulo ng dalawang lupa. Walang pag-aalinlangan na ang mga lupang ito ay kapwa pag-aari ng magkapatid na Arsenio at Marta. Kaya nang ibenta ni Arsenio ang lupang 1052 at hindi ibinigay ang parte ni Marta, nararapat lamang at naaayon din sa batas na ang lupang 1091 ay mapunta sa mga tagapagmana ni Marta na sina Solita at ang kanyang mga kapatid. Kahit mas malaki ang sukat ng lupang 1091 ng tatlong metro kuwadrados sa lupang 1052, hindi ito sapat upang hatiin ang diperensiya sa magkabilang panig (Imperial vs. Court of Appeals, et. al., G.R. 102307, July 7, 1996).

ARSENIO

COURT OF APPEALS

DAHIL

LUPA

LUPANG

MARTA

SINA ARSENIO

SOLITA

TAMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with