Siguraduhin nyong KATOTOHANAN at walang bahid na anumang kasinungalingan. Siguruhin nyo lang na makatao kayo sa inyong sistemang pagtrato sa mga presong nasa loob ng inyong bilangguan.
Hindi ko sinasabing hinuhusgahan ko na kayo. Dinidikdik ko na sa inyong mga kukote na inaanyayahan na naming makipagkita agad sa amin ang letter sender.
Dito nabubuhay ang aming mga dugo sa ganitong klaseng sumbong. Agad naming pinanghihimasukan nang masimulan ang aming imbestigasyon.
Kapag nakita namin na gusto nyong "makipaglaro" sa isasagawa naming aksiyon, lalo lang itong magiging "exciting" para sa amin. Gusto kong makita ang inyong abilidad kung papano nyo lulusutan ang aming BITAG.
Nais ko po sanang humingi ng tulong sa inyo tungkol sa kalagayan ng aking ama. Last year na-confine siya sa hospital. Tatlong araw siyang hindi nagising at nung naka-recover nagka-problema kami sa kanyang behavior.
Wala namang sinabi ang doktor kung nagkaroon ito ng epekto sa kanyang pag-iisip.
Nung Agosto nagkagulo sa aming barangay (Bgy. Lumot, Cavinti, Laguna). Nagulat na lang kami nang aming malaman nakapatay ang aming ama.
Nakakulong siya ngayon sa Sta. Cruz, Laguna City Jail. Tuwing dadalaw po ang mother ko, iba na po ang takbo ng utak ng aking ama. Maraming nagsasabi na palagi raw pong sigaw nang sigaw ang aking ama at wala na raw sa sarili.
Tapos nagtatakbo raw po sa labas ang aking ama at binuhusan daw po ng mainit na tubig at kinuryente pa. Hinihiling po naming maipa-medical check-up.
Noong November 17 (Sunday), dinalaw ko ang aking father. Ibang-iba na ang kanyang hitsura. Hindi ko na makausap ng maayos. Hindi namin malaman ang kanyang pinagsasabi. May nakita po akong pasa sa kanyang mukha. Halos basahan na ang kanyang pananamit.
Mr. Tulfo hindi po namin malaman ang aming gagawin. Pati ang mga gamit niya ay wala na rin. Nag-aalala po kami ng husto dahil baka hindi na namin siya maabutan ng buhay dahil sa kalagayang nakikita namin.
Umaasa po kami sa inyong tulong. Nababasa ko sa iyong kolum ang inyong katapangan at walang sawang pagtulong sa mga nangangailangan. Lubos na nagpapasalamat. Louella V. Gallardo, Bgy. Lumot, Cavinti, Laguna 4013