'Binuhusan ng mainit na tubig at kinuryente ang aming ama
November 22, 2002 | 12:00am
KAYONG nasa pamunuan ng STA. CRUZ LAGUNA CITY JAIL, basahin nyong maigi ang kolum na to. Sige humirit kayo, kung gusto nyo! Paghandaan nyong maigi ang inyong sasabihin.
Siguraduhin nyong KATOTOHANAN at walang bahid na anumang kasinungalingan. Siguruhin nyo lang na makatao kayo sa inyong sistemang pagtrato sa mga presong nasa loob ng inyong bilangguan.
Hindi ko sinasabing hinuhusgahan ko na kayo. Dinidikdik ko na sa inyong mga kukote na inaanyayahan na naming makipagkita agad sa amin ang letter sender.
Dito nabubuhay ang aming mga dugo sa ganitong klaseng sumbong. Agad naming pinanghihimasukan nang masimulan ang aming imbestigasyon.
Kapag nakita namin na gusto nyong "makipaglaro" sa isasagawa naming aksiyon, lalo lang itong magiging "exciting" para sa amin. Gusto kong makita ang inyong abilidad kung papano nyo lulusutan ang aming BITAG.
Dear Mr. Ben Tulfo:
Nais ko po sanang humingi ng tulong sa inyo tungkol sa kalagayan ng aking ama. Last year na-confine siya sa hospital. Tatlong araw siyang hindi nagising at nung naka-recover nagka-problema kami sa kanyang behavior.
Wala namang sinabi ang doktor kung nagkaroon ito ng epekto sa kanyang pag-iisip.
Nung Agosto nagkagulo sa aming barangay (Bgy. Lumot, Cavinti, Laguna). Nagulat na lang kami nang aming malaman nakapatay ang aming ama.
Nakakulong siya ngayon sa Sta. Cruz, Laguna City Jail. Tuwing dadalaw po ang mother ko, iba na po ang takbo ng utak ng aking ama. Maraming nagsasabi na palagi raw pong sigaw nang sigaw ang aking ama at wala na raw sa sarili.
Tapos nagtatakbo raw po sa labas ang aking ama at binuhusan daw po ng mainit na tubig at kinuryente pa. Hinihiling po naming maipa-medical check-up.
Noong November 17 (Sunday), dinalaw ko ang aking father. Ibang-iba na ang kanyang hitsura. Hindi ko na makausap ng maayos. Hindi namin malaman ang kanyang pinagsasabi. May nakita po akong pasa sa kanyang mukha. Halos basahan na ang kanyang pananamit.
Mr. Tulfo hindi po namin malaman ang aming gagawin. Pati ang mga gamit niya ay wala na rin. Nag-aalala po kami ng husto dahil baka hindi na namin siya maabutan ng buhay dahil sa kalagayang nakikita namin.
Umaasa po kami sa inyong tulong. Nababasa ko sa iyong kolum ang inyong katapangan at walang sawang pagtulong sa mga nangangailangan. Lubos na nagpapasalamat. Louella V. Gallardo, Bgy. Lumot, Cavinti, Laguna 4013
Para sa tips, reklamot sumbong tumawag o mag-text sa mga numerong ito (0918)9346417 at telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 kHZ, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga. Manood tuwing Sabado, 5:00 to 5:30 ng hapon, ABC-5. Email us: [email protected]/[email protected]
Siguraduhin nyong KATOTOHANAN at walang bahid na anumang kasinungalingan. Siguruhin nyo lang na makatao kayo sa inyong sistemang pagtrato sa mga presong nasa loob ng inyong bilangguan.
Hindi ko sinasabing hinuhusgahan ko na kayo. Dinidikdik ko na sa inyong mga kukote na inaanyayahan na naming makipagkita agad sa amin ang letter sender.
Dito nabubuhay ang aming mga dugo sa ganitong klaseng sumbong. Agad naming pinanghihimasukan nang masimulan ang aming imbestigasyon.
Kapag nakita namin na gusto nyong "makipaglaro" sa isasagawa naming aksiyon, lalo lang itong magiging "exciting" para sa amin. Gusto kong makita ang inyong abilidad kung papano nyo lulusutan ang aming BITAG.
Nais ko po sanang humingi ng tulong sa inyo tungkol sa kalagayan ng aking ama. Last year na-confine siya sa hospital. Tatlong araw siyang hindi nagising at nung naka-recover nagka-problema kami sa kanyang behavior.
Wala namang sinabi ang doktor kung nagkaroon ito ng epekto sa kanyang pag-iisip.
Nung Agosto nagkagulo sa aming barangay (Bgy. Lumot, Cavinti, Laguna). Nagulat na lang kami nang aming malaman nakapatay ang aming ama.
Nakakulong siya ngayon sa Sta. Cruz, Laguna City Jail. Tuwing dadalaw po ang mother ko, iba na po ang takbo ng utak ng aking ama. Maraming nagsasabi na palagi raw pong sigaw nang sigaw ang aking ama at wala na raw sa sarili.
Tapos nagtatakbo raw po sa labas ang aking ama at binuhusan daw po ng mainit na tubig at kinuryente pa. Hinihiling po naming maipa-medical check-up.
Noong November 17 (Sunday), dinalaw ko ang aking father. Ibang-iba na ang kanyang hitsura. Hindi ko na makausap ng maayos. Hindi namin malaman ang kanyang pinagsasabi. May nakita po akong pasa sa kanyang mukha. Halos basahan na ang kanyang pananamit.
Mr. Tulfo hindi po namin malaman ang aming gagawin. Pati ang mga gamit niya ay wala na rin. Nag-aalala po kami ng husto dahil baka hindi na namin siya maabutan ng buhay dahil sa kalagayang nakikita namin.
Umaasa po kami sa inyong tulong. Nababasa ko sa iyong kolum ang inyong katapangan at walang sawang pagtulong sa mga nangangailangan. Lubos na nagpapasalamat. Louella V. Gallardo, Bgy. Lumot, Cavinti, Laguna 4013
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended