Ayon sa aking bubuwit, 35 days na lang at Pasko na.
Happy birthday muna kay Rowena Pioquinto, Fatima Tabaniag, Irene de Vera at Atty. Edmund Arugay ng NBI
Mantakin mo naman DOH Secretary Dayrit, hindi nahihiya ang dalawang matandang love birds na makita sila ng kanilang mga empleyado na naglalampungan.
Meron ding report na nagkukulong ang dalawang matanda sa opisina ni Sir upang doon magla-loving-loving.
Bagamat may hinala ang mga empleyado na ginagawa nang motel ang opisina ni Sir, wala naman silang katibayan na maipakita.
Sabi ng mga empleyado, bakit naman kayo nagtitipid Sir samantalang ang laki naman ng nakukuha nyo sa budget ng ospital.
Hindi kaya "Katas ng mga Praning" ang perang ipinambili ng bagong Ford Lynx ng lady official?
Bago kayo bumili ng kung anu-ano, ibigay nyo muna ang five percent na dagdag na sahod ng mga empleyado.
At huwag nyo namang chop-chopin ang pondo para sa pagkain at iba pang pangangailangan ng mga kapatid nating nadiskaril ang pag-iisip. Kaya yata lumalala ang kalagayan ng mga praning sa Mental Hospital eh.
Ayon sa aking bubuwit, ang dalawang opisyal ng National Mental Hospital na merong illicit love affair at ginagawang motel ang opisina ay walang iba kundi si Mr. B. as in Baliw at si Mrs. C. as in Charing.