Si Elong ay pilay ngunit matapat
November 21, 2002 | 12:00am
SI Elong ay ipinanganak na may kapansanan. Ang kanyang kanang binti ay mas maikli kumpara sa kaliwa. Kaya paika-ika siya kung lumakad. Tinawag siyang Elong Pilay sa nayon. Halos kasing-edad ko si Elong.
Unang nagtrabaho si Elong bilang guwardiya sa training center. Nalaman ko na ang tiyahin niya ang may-ari ng lupang kinatitirikan ng training center. Kahit pilay ay ubrang guwardiya.
Subalit ang kanyang pagtatrabaho bilang guwardiya ay hindi nagtagal dahil nagkasakit siya. Hindi naglaon, inilipat si Elong bilang janitor.
Nang ako at ang aking pamilya ay nanirahan sa training center ay doble ang ginagampanan ni Elong: Guwardiya at janitor. Madalas kasi akong gabihin sapagkat nagtutungo sa liblib na lugar para manggamot.
Darating ako sa mga alanganing oras ng gabi at makikita siyang nakaupo sa may gate dala ang pamalong kawayan. Binabantayan niya ang aking pamilya.
"Salamat sa iyo, Elong," sabi ko.
"Walang anuman, Doktor," sagot niya na ipinakikita ang maluwang na pagkakangiti na nagpasingkit sa kanyang mga mata.
Minsan ay yayayain ko siyang magkape at matapos niyon ay agad na siyang aalis.
Nararamdaman ko ang tunay na pagpapahalaga ni Elong sa aking pamilya. Iyon ang dahilan kung bakit kami naging malapit sa isat isa.
Ang kanyang asawa ay masipag. Ito ang umaasikaso sa kanilang maliit na manukan at tumutulong sa gulayan. Sa mga espesyal na okasyon, dadalhan kami ni Elong ng isang pares na inihaw na manok. Kung minsan mga bungkos ng sitaw at iba pang gulay at dalag ang kanyang dala.
Sa tuwing tinatanggihan ko ang kanyang regalo, ang lagi niyang sagot, "Hayaan nyo akong maramdaman ang pagpapasalamat ko sa paggagamot mo sa aking mga anak. Hindi ito kabayaran kundi pagtanaw ng utang na loob."

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am