^

PSN Opinyon

EDITORYAL – Kakatwang desisyon sa pagpili ng AFP chief

-
KUNG minsan may mga desisyon ang Malacañang na hindi maintindihan o maunawaan. Strange na. Mahirap maabot lalo na ng karaniwang mamamayan. Wala namang magagawa ang lahat sapagkat ang desisyon ay nanggagaling sa lider ng bansa. Sino ba ang makapipigil sa gustong mangyari ng Presidente? Wala.

Isa sa mga desisyon ni President Gloria Macapagal-Arroyo na nakapagtataas ng kilay at nakapagkukunot-noo ay ang pagpili niya sa magiging hepe ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa loob lamang ng isang taon, apat na ang nagiging AFP chief. At kakatwang maiikling panahon ang ipinagsilbi ng mga naging hepe ng AFP na pinili ni Mrs. Arroyo. Si Gen. Roy Cimatu ay naging AFP chief sa loob lamang ng tatlong buwan. Si Gen. Benjamin Defensor na sumunod kay Cimatu ay nagsilbi lamang ng 69 na araw. Kamakalawa ay binigyan ng extension na 10 araw si Defensor kaya may kabuuang 79 days ang kanyang paglilingkod sa AFP.

Nakatakdang pumalit kay Defensor si Lt. Gen. Dionisio Santiago. Magreretiro si Santiago sa April 2003. Tiyak na hindi pa rin mahihinto ang papalit-palit ng AFP chief. Maaaring i-extend din ni Arroyo ang term ni Santiago gaya ni Defensor. Sino ang makapagsasabi?

Ang pagpili sa AFP chief ay wala ngang makakakuwestiyon sapagkat presidential prerogatives ito. Kaya lamang, sa sistema ng pagpili ay parang kakatwa na ang nangyayari. Wala na bang mapipili na mas matagal ang ipagsisilbi? Siguro’y gustong bigyang kasiyahan ni Mrs. Arroyo ang mga nasa AFP kaya ganito ang sistema. Pagbibigyan lahat kahit sa maikling panahon.

Ang katanungan ngayon, paano mabibigyang atensiyon ng uupong AFP chief ang pambansang seguridad kung wala pang apat na buwan ay magreretiro na siya. Paano ang paglupig sa mga bandidong Abu Sayyaf, rebeldeng Moro Islamic Liberation Front, New People’s Army at sandamukal na terorista na kasalukuyang naghahasik ng karahasan kung magiging maikli ang panunungkulan. Mahirap yata. Paano magiging matatag ang military kung walang tigil ang pag-pasok at pag-alis ng namumuno. Hindi kaya makapagpahina sa sandatahang lakas ang ganitong kakatwang paglalagay ng pinuno. Isipin sana ang mga banta sa seguridad sa pagkakataong ito.

ABU SAYYAF

AFP

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BENJAMIN DEFENSOR

DIONISIO SANTIAGO

MAHIRAP

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

MRS. ARROYO

SI GEN

WALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with