^

PSN Opinyon

Sec. Sto Tomas sampulan mo ang B.A.V. trucking

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
DAPAT silipin ng mga inspector ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang operation ng isang trucking firm sa Parañaque City dahil sa maraming reklamo ng mga worker nito. Ayon sa mga manggagawa hindi nagbibigay ng tamang sahod at iba pang benipisyo ang B.A.V. Trucking na nasa Jade Street, Ramond Ville, Executive Village. Kung sabagay, maraming kumpanya sa Metro Manila o sa Southern Tagalog ang hindi tumutupad sa batas at hindi ito katwiran para abusuhin nila ang mga manggagawa na naghihirap na dahil sa mababang ekonomiya.

Marami sa manggagawa ngayon ay ’ika nga isang kahig-isang tuka dahil sa kakarampot nilang suweldo. Pero kung aabusuhin pa sila ng kanilang mga employer eh ibang usapan na ’yan. May ipinagmamalaki kaya ang may-ari nitong B.A.V. Trucking? Sa Metro Manila kasi, P280 isang araw ang minimum wage ng manggagawa. Sa halagang ito, naghihikahos na ang mga kapwa nating Pilipino dahil sa taas ng pamasahe at sobrang mahal ng pang-araw-araw na gastusin. Karamihan naman sa manggagawa eh ayaw nang magreklamo dahil ayaw din nilang mawalan ng trabaho at magutom ang kani-kanilang pamilya, di ba mga suki?

Dapat magpadala kaagad ng inspector si Labor Secretary Patricia Sto. Tomas at alamin ang problema ng mga manggagawa ng B.A.V. Trucking para medyo guminhawa naman ang kanilang kalagayan kahit man lamang sa Paskong darating. Medyo lakasan mo ang iyong tulak Sec. Sto. Tomas Mam, kay Porter Puguon, ang Bureau of Working Conditions (BWC), para magising siya at hindi usad pagong ang report niya sa ’yo.

Ang unang reklamo ng mga manggagawa sa B.A.V. Trucking ay hindi binabayaran sa tamang oras ang kanilang sahod. Hindi rin umano niri-remit ang kanilang SSS contributions. Wala rin silang natatanggap na benipisyo tuwing December lalo na ang holiday at differential pay. Ang masakit niyan kung pipilitin nilang makuha ang kanilang sahod, ibinibigay naman ito kinabukasan pero sa susunod na araw ay hindi na sila papapasukin hanggang kailanman. Aba maliwanag na illegal dismissal ang nangyari dito ah. Mukhang may semplang ang may-ari ng B.A.V. Trucking dito ah, di ba mga suki?

At ang masakit niyan, kapag aksidenteng naibangga ang kanilang sasakyan, tanggal kaagad sa trabaho ang mga driver walang due process. Sa batas natin kasi dapat bigyan muna ng at least 30 days notice ang manggagawa bago sila puwedeng sibakin. Sa ngayon, nagdurusa ang mga manggagawa ng B.A.V. Trucking. Desperado na sila lalo na kapag minamasdan nila ang kani-kanilang pamilya na walang halos makain. Pero hindi sila nawawalan ng pag-asa dahil alam nila andiyan si Sec. Sto. Tomas na palaging handa para tulungan ang mga manggagawa. Sampolan mo ang B.A.V. Trucking Sec. Sto. Tomas Mam’. Proteksiyunan mo ang mga maliliit na manggagawa.

BUREAU OF WORKING CONDITIONS

DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT

EXECUTIVE VILLAGE

KANILANG

MANGGAGAWA

STO

TOMAS MAM

TRUCKING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with