^

PSN Opinyon

Mag-ingat sa filariasis

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
KAPAG nakakita kayo ng taong ga-elepante ang paa at binti at parang may luslos dahil sa paglaki ng bayag, sila ay may filariasis. Tinatawag din itong elephantiasis. Ayon sa report ng Department of Health (DOH) umaabot na sa 3,000 tao ang maysakit na filariasis sa Pilipinas.

Ang filariasis ay nanggagaling sa kagat ng babaing lamok. Unang maaapektuhan ang bahaging singit, kili-kili, paa at bayag at magkakaroon ng mga kulane. Ang sintomas ng filariasis ay ang matinding pananakit ng ulo at lagnat na matagal gumaling. Bagamat walang komplikasyon ang filariasis grabe namang paghihirap ang tinitiis ng mga maysakit nito.

Sinabi pa ng DOH na maraming may filariasis sa lalawigan ng Palawan ng Mindoro, Romblon at Sorsogon. Isang taga-Sorsogon na biktima ng filariasis ang dumadaing sa hirap at sinabi na mamabutihin pa niyang mamatay. Lumaki ang kanyang mga bayag. Hirap na hirap siyang kumilos. Hindi na siya makapagtrabaho sa bukid at umaasa na lang sa tulong ng kanyang mga kapitbahay.

Ang pag-iingat sa mga lamok na nagdadala ng filariasis ay dapat gawin. Maging malinis sa kapaligiran. Itapon ang mga bagay na maaaring pagbahayan ng mga lamok. Nararapat namang umaksiyon ang DOH sa paglaganap ng filariasis.

AYON

BAGAMAT

DEPARTMENT OF HEALTH

FILARIASIS

HIRAP

ISANG

ITAPON

LUMAKI

SORSOGON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with