Pandak kasi
November 18, 2002 | 12:00am
SORRY Miss, we cant hire you, naiiling na sabi ng manedyer. Hawak niya ang aking resume.
Nabigla ako. Hindi iyon ang aking inaasahan. Ngunit hindi ako nagpahalata. Umayos ako sa pagkakaupo at magalang na nagtanong, Pero, bakit po? Gusto ko pa sanang idagdag, College level naman ako ah. Sa qualifications ninyo, high school graduate, puwede na. Pero, sinarili ko na lamang ang mga iyon.
I cant say anything about your educational attainment and besides, you have an impressive working experience. But the problem is your height.
Napa-aray ako ng lihim. Kaysakit palang tanggapin ng katotohanan. Problema ang height ko. Ang ipinagtataka ko, hindi naman hinihingi sa kanilang mga kuwalipikasyon ang magandang tindig. Natatandaan ko pa ang naka-ads. Wanted: Service Crew. Qualifications: male/female, 18-24 years old, at least high school graduate, responsible, smart, friendly and honest. Nang kumuha ako ng eksamen, hindi naman nila tinapunan ng tingin ang aking height. Wala naman silang nabanggit na hindi puwedeng kumuha ng eksamen ang wala pang 52". Sa una kong interbyu wala ring binanggit ang manedyer tungkol sa aking height.
Mukhang naaaliw pa nga ito sa suot kong off shoulder at tinanong kung magkano at saan ko ito binili. Umayon pa nga ito sa aking sinabi na walang mahirap na trabaho kung itoy iyong isasapusot isip at gagawin ng maayos at organisado. Kung sabagay, iba ang kaharap ko ngayon sa nauna. Pero, kahit na. Di sanay noong una pa lang ay sinabi na nila na hindi ako puwede. Noon pa sana nang akoy nagpasa ng resume. Hindi ngayong nakagugol na ako ng perat panahon sa pagpapabalik-balik sa establisimiyentong iyon. Hindi na nasa ako nag-aksaya ng panahon sa pagkuha ng kanilang eksamen.
Ang aking kaharap ay nagpatuloy nang mapansing akoy walang katinag-tinag sa pagkakatitig sa kanya. Im so sorry to say that. Kung 5 feet ka man lang sana ay puwede na. Pero sa tingin ko, wala ka pa yatang 5 feet e.
Lalo akong pinamulahan sa pagkakarinig niyon. Tila pinagbibintangan pa yata akong sinungaling sapagkat ang aking inilagay sa bahagi ng personal na impormasyon sa aking resume ay 5 feet ang aking height. Awa ang nararamdaman ko para sa aking sarili. Kaakibat nito ang pagsisisi kung bakit pa ako napasok sa ganoong sitwasyon.
Hindi ko na ninais pang marinig ang kanyang mga sasabihin. Tama na ang panlalait at pagtapak sa aking pagkatao. Nagpaalam ako ng may paggalang.
Paglabas ko sa kuwartong iyon, isa lang ang aking nasambit, kay hirap ng pandak!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended