^

PSN Opinyon

Humupa na ba ang tensyon?

- Al G. Pedroche -
MAGANDANG balita ang pagpayag ni President Saddam Hussein na makapasok sa kanyang bansa ang grupo ng United Nations arms inspectors upang siyasatin ang mga aresnal ng Iraq at tiyaking wala itong itinatagong wea-pons of mass destruction.

Sa ating bansa, matagal-tagal na rin ang pinakahuling insidente ng pagpapasabog ng mga terorista. Lumipas ang Todos los Santos at tila payapa na ang ating kapaligiran.

Harinawang humupa na nga ang tensyon ng terorismo. Maliban sa mga bomb threats, wala nang aktuwal na insidente ng pambobomba. Salamat sa Diyos.

Iyan ay bunga na rin ng pagiging vigilant o mapagmasid hindi lamang ng mga awtoridad kundi ng mga mamamayan.

Pero parang propeta ng lagim ang Amerika. Negatibo ang travel advisory nito sa mga Amerikanong nagpupunta sa Pilipinas porke may hinuhulaang malagim na insidente ng terorismo na magaganap hanggang matapos ang Kapaskuhan. Pati tuloy ang ibang bansa tulad ng Australia at iba pa ay nag-isyu rin ng ganoong travel advisory.

Pero puwede nating patunayan na mali sila ng akala. Magulo man ang pangkalahatang sitwasyon sa mundo, maaaring maging kampante sa kanyang kaligtasan ang sino mang turistang nasa Pilipinas.

Kailangan nga lang ay panatilihin natin ang pagiging mapagmasid at pakikiisa sa mga tagapagpatupad ng batas.

I-anticipate natin ang posibleng diskarte ng mga terorista. Tulad nitong darating na Christmas season, posibleng may magpadala sa atin ng mga regalo na ang laman ay bomba. At ang pinakahuling balita ay ang pagkakatanggap ng embahada ng Myanmar ng isang greeting card na mabuti na lamang at agad nalamang isa palang letter bomb.

Kaya ingat, ingat, ingat tayo sa pagtanggap ng ganitong mga bagay lalu pa’t hindi natin kilala ang pinagmulan.

AMERIKA

AMERIKANONG

DIYOS

HARINAWANG

IYAN

PERO

PILIPINAS

PRESIDENT SADDAM HUSSEIN

UNITED NATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with