Presidente pa ng NAPOCOR si Guido Delgado nang sibakin si Pangcog. Sinabihan siyang "the NAPOCOR board found your performance not at par with the standard it expects of the legal counsel of the countrys biggest corporation."
Di inasikaso ni Pangcog ang koleksyon ng NAPOCOR sa Alcatel. Nang umaksyon siya, nag-devalue ang piso kaya malaking salapi ang nalustay sa NAPOCOR. 1997 nang sibakin siya. Pero marunong dumiskarte, nakabalik siya nang maging pangulo ng NAPOCOR si Freddie Puno hanggang sa maupo ni Jess Alcordo na sinundan ni Roland Quilala.
Bilang corporate secretary, idinidepensa ngayon ni Pangcog ang milyones na ibinayad ng NAPOCOR sa IMPSA.Legitimate project cost" daw. Kinuwestyon niya ang findings ng imbestigasyon ng Meritee Ltd., isang respetadong engineering consultancy firm ng New Zealand na siyang kinontratang mag-audit ng Department of Energy. Parang empleyado ng IMPSA at hindi ng pamahalaan kung dumepensa si Pangcog. Madalas pa umano siyang makitang nakikipagsosyalan sa mga executive ng IMPSA sa Casablanca, isang sikat na karaoke bar sa EDSA Shangri-La Hotel. (By the way, diyan din nakatira ang IMPSA pointman na si Ruben Valenti.)
Sa imbestigasyon ng Senado, lumalabas na si Pangcog ay may dalawang bersyon ng kontrata sa signing ceremony na sinaksihan ni President Estrada sa Malacañang. Ang isa ay ang BROT Contract na aprobado ng NEDA at ang bersyon na inihanda ng IMPSA. Mula noon, naging kolektor ng IMPSA si Pangcog hanggang sa medyo tumiklop siya dahil kumalat na ang tsismis tungkol sa kanyang IMPSA connection. Sa pagtatanggol niya ngayon sa IMPSA, lumilitaw ang tunay niyang kulay.