Ill be there. Kung naranasan mo nang tumawag sa kaibigan para magdala ng maysakit na anak o masiraan ng kotse sa gitna ng gabi, alam mo kung gaano kasarap madinig ang "nariyan na ko." Ang pagdulog sa isang nangangailangan ay pagpapakita ng katapatan.
I miss you. Maraming masasalbang asawahan, at mas titindi ang pagmamahal ng mga anak sa magulang kung malimit lang sabihin ang "miss na kita." Hindi kailangang magkalayo. Miski nasa opisina o school lang, tumatalab din. Patunay ng pag-aalala.
I respect you. Ipinapakita ng respeto ang pagtingin sa kapwa bilang kapantay. Kung kausapin mo ang anak mo bilang adult, magiging mas malapit kayo. Gayon din sa kaibigan.
Maybe youre right. Mabisa ito para palamigin ang argumento. Para mo na ring sinabi, "Baka mali ako." Nagpapatigasan lang sa argumento. Kung tingnan natin ang punto ng kabila, titingnan din nila ang punto natin.
Please forgive me. Maraming sirang relasyon ang babalik at hihilom sa pag-amin lang ng mali at paghingi ng tawad. "Sorry na ha," ang dali lang. Hindi nababawasan ang pagkalalaki, nadadagdagan ang pagkatao.
I thank you. Ang pagpapasalamat ay pinakamatinding kortesiya sa kapwa. Ugaliin pasalamatan ang mga nasa paligid: Asawang matiyaga, anak na matulungin, waiter sa restoran, driver ng jeepney, konduktor sa bus, repairman o kolektor. Mahahawa sila. Pasasalamatan ka rin sa pagpapaganda ng araw nila.
I love you. Ito ang pinaka-matamis marinig mula sa magulang, anak, asawa, kasintahan. Miski kabarkada. Pakiramdam mo, kasali ka at kailangan ka. Ipadama ito sa kanila.
God bless you. O, tatlong salita lang din, pero tanda ng pagkilala sa Maylikha sa ating lahat, at sa kapangyarihan Niyang biyayaan tayo.