^

PSN Opinyon

Tatlong salita lang

SAPOL - Jarius Bondoc -
Marami tayong puwedeng gawin para patatagin ang relasyon sa kapwa. Pero ang pinaka-epektibo ay sa tatlong salita lang. Halimbawa:

I’ll be there.
Kung naranasan mo nang tumawag sa kaibigan para magdala ng maysakit na anak o masiraan ng kotse sa gitna ng gabi, alam mo kung gaano kasarap madinig ang "nariyan na ‘ko." Ang pagdulog sa isang nangangailangan ay pagpapakita ng katapatan.

I miss you.
Maraming masasalbang asawahan, at mas titindi ang pagmamahal ng mga anak sa magulang kung malimit lang sabihin ang "miss na kita." Hindi kailangang magkalayo. Miski nasa opisina o school lang, tumatalab din. Patunay ng pag-aalala.

I respect you.
Ipinapakita ng respeto ang pagtingin sa kapwa bilang kapantay. Kung kausapin mo ang anak mo bilang adult, magiging mas malapit kayo. Gayon din sa kaibigan.

Maybe you’re right.
Mabisa ito para palamigin ang argumento. Para mo na ring sinabi, "Baka mali ako." Nagpapatigasan lang sa argumento. Kung tingnan natin ang punto ng kabila, titingnan din nila ang punto natin.

Please forgive me.
Maraming sirang relasyon ang babalik at hihilom sa pag-amin lang ng mali at paghingi ng tawad. "Sorry na ha," ang dali lang. Hindi nababawasan ang pagkalalaki, nadadagdagan ang pagkatao.

I thank you.
Ang pagpapasalamat ay pinakamatinding kortesiya sa kapwa. Ugaliin pasalamatan ang mga nasa paligid: Asawang matiyaga, anak na matulungin, waiter sa restoran, driver ng jeepney, konduktor sa bus, repairman o kolektor. Mahahawa sila. Pasasalamatan ka rin sa pagpapaganda ng araw nila.

I love you.
Ito ang pinaka-matamis marinig mula sa magulang, anak, asawa, kasintahan. Miski kabarkada. Pakiramdam mo, kasali ka at kailangan ka. Ipadama ito sa kanila.

God bless you.
O, tatlong salita lang din, pero tanda ng pagkilala sa Maylikha sa ating lahat, at sa kapangyarihan Niyang biyayaan tayo.
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

ABANGAN

ASAWANG

GAYON

HALIMBAWA

IPADAMA

JARIUS BONDOC

LANG

MARAMING

MISKI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with