^

PSN Opinyon

Plastic money

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
ANG "Pagkain Inc." (PI), isang kompanya ng mga restaurant na nakipagkasundo sa "Pautang" Credit Card Company, Inc. (PCCCI), kung saan kailangang kilalanin ng PI ang lahat na credit cards na inisyu ng PCCCI (PACARDS). Kasama rin sa kasunduan ang pagkilala sa mga credit cards na hindi pa expired at cards na wala sa listahan ng mga nawawala, nakasuspinde o napawalang-bisa na. Kasama rin ang pagpaskil sa restaurant ng paunawang "PACARD is accepted here."

Isa sa mga may hawak ng PACARD ay si Julio, isang abogado at negosyante, kung saan dinala niya ang mga kaibigan sa isa sa mga restaurant ng PI. Pagkatapos nilang kumain, iniabot ng waiter ang bill na P3,000 kay Julio. Ibinigay ni Julio ang PACARD para bayaran ang nakain. Makalipas ang 10 minuto, malakas na sinabi ng waiter na expired na raw ang card ni Julio, bagay na narinig ng kanyang mga kaibigan. Tiniyak muli ni Julio sa cashier ang sinabi ng waiter, dahil nakasaad naman sa card niya na hindi pa ito expired. Subalit, katulad din ang kanyang narinig. Sa pagbalik ni Julio sa mga kaibigan, biniro pa siya na, "Baka kailangang maghugas na kami ng pinggan?" Napahiya nang lubos si Julio at dahil walang dalang pera, ginamit niya ang ibang credit card ng ibang kompanya, kung saan ito ay kinilala ng restaurant.

Dahil naniniwala si Julio na dapat ay kinilala ang kanyang PACARD dahil hindi pa ito expired, sinampahan niya ng kaso ang PI at PACARD para sa bayad-pinsala dahil sa kahihiyang idinulot nito.

Ayon naman sa restaurant, hindi raw sila nagkamali nang hindi nila kinilala ang PACARD ni Julio dahil ito raw ay hindi legal tender. Ikalawa, nang inalok ni Julio ang restaurant na bayaran ang nakain sa pamamagitan ng kanyang PACARD, ito raw ay depende sa kanilang pagtanggap sa kanya bilang creditor, at kung hindi, wala raw kasunduan sa kanilang dalawa at hindi na kailanman magagamit ni Julio ang kanyang PACARD kahit na ito ay hindi pa expired. Tama ba ang restaurant?

Mali.
Mayroong kasunduan ang PI at PACARD at dapat itong kilalanin. Kahit na hindi isa sa mga partido si Julio sa kasunduan, bilang may hawka ng PACARD, lahat ng benepisyong napagkasunduan ng PI at PACARD, makikinabang dito si Julio. Ayon sa Kodigo Sibil, Artikulo 1311, maaaring hilingin ni Julio ang benepisyo sa kasunduan bilang ikatlong partido kapag ipinagbigay-alam niya sa restaurant ang kanyang pagtanggap sa kasunduan. Ang pagbabayad ni Julio sa pamamagitan ng kanyang PACARD ay isang malinaw na pagtanggap sa kasunduan.

Bukod pa rito, ang pagpaskil ng restaurant sa kanilang pintuan ng "PACARD is accepted here", ay isang representasyon na nagpasya ang restaurant na tanggapin ang PACARD ni Julio. Hindi maitatanggi ng restaurant ang obligasyon nito sa PACARD ni Julio. (Manadarin Villa, Inc. vs. Court of Appeals, et. al. G.R. 119850, June 20, 1996)

AYON

COURT OF APPEALS

CREDIT CARD COMPANY

JULIO

KANYANG

PACARD

RESTAURANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with