Masarap ang sigarilyas kina Tata Poloniong
November 14, 2002 | 12:00am
NOON, kapag inaabot ako ng gabi sa nayon ay kadalasang kina Tata Poloniong ako tumutuloy para magpalipas ng gabi. Tuwang-tuwa naman ang mag-asawa. Abalang-abala sila sa pag-asikaso sa akin.
Habang naghahapunan ay patuloy kami sa pagkukuwentuhan. Maraming ikinukuwento si Tata Poloniong. Hindi ko maawat sa pagkukuwento. Ako ay napapatigil sa pagkain para pakinggan ang kanyang kuwento. Napansin iyon ng asawa ni Mang Poloniong.
"Huwag mong abalahin ang pagkain ni Doktor Maestro," sabi nito. Doktor Maestro ang tawag niya sa akin.
"Dagdagan mo ang kain, Doktor Maestro, masarap ang sigarilyas na luto ko. Bagay sa inihaw na hito."
Napansin ko na hindi umimik si Tata Poloniong. Nagpatuloy ako sa pagkain. Nakita kong sinisimot ni Tata Poloniong ang buntot ng inihaw na hito.
Mabait ang asawa ni Tata Poloniong at kapag nasa nayon ako, sinisikap niyang makapagluto ng sigarilyas. Maglalakad siya sa hangganan ng nayon para makuha ang pinakasariwa at pinakamurang sigarilyas. Kung sampung pulgada ang normal na haba nito, pinipili niya ang mas baba pa na may apat na pulgada lamang. Iyon ang pinakaparaan niya para maipakita ang kanyang pagmamahal. Alam niyang ikatutuwa ko iyon.
"Nasarapan ka ba sa sigarilyas?" tanong uli sa akin.
"Oho," nalulugod kong sagot. "Alam nyo namang basta may sigarilyas, ayos na ang mundo. Ito ang gusto ko sa nayon at walang restaurant sa Maynila ang naghahanda ng sigarilyas hindi tulad dito sa inyo."
"Kumain ka pa nang kumain, Doktor Maestro," sabi pa.
Noon sumabad si Tata Poloniong na parang inis, "Para sa iyo Doktor ang mga murang sigarilyas, sa akin e wala siyang pakialam."
Napamulagat ang asawa ni Tata Poloniong. Nabigla. "Nagselos na naman ang matanda," malambing na sabi at hinagod ang likod ni Tata Poloniong. Nilagyan ito ng sigarilyas sa pinggan.
Ako ay napangiti sa masarap na pagmamahalan ng mag-asawa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest