^

PSN Opinyon

Sisihan sa pagbagsak ng Flight 585

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
HETO na naman. Nagsisisihan, nagtuturuan at ibinabaling ang kasalanan sa iba. Ganito na naman ang nangyayari sa nakakakilabot na pagbagsak ng eroplano ng Laoag Airlines (LIA) noong Lunes ng umaga sa Manila Bay na ikinamatay ng 19 katao.

Naglabu-labo na ang mga alegasyon at paninisi. May nagsasabing lumang-luma na ang bumagsak na eroplano at hindi naaalagaan nang mahusay.

Itinanggi naman ng may-ari ng LIA ang mga nasabing balita at ipinagdiinan ang tungkol sa kanilang haka-haka na may naganap na sabotahe sa pamamagitan ng paghahalo ng tubig sa langis ng makina ng eroplano. Pinabulaanan naman ito ni Air Transportation Office (ATO) chief Adelberto Yap at sinabing sinisiyasat nila bago payagang paliparin ang alinmang eroplano.

Pumasok din sa eksena sina Rep. Miguel Zubiri, Rep. Imee Marcos at Sen. Vicento Sotto. Si Sotto ang mismong chairman ng committee na nagharap at nag-approve ng franchise to operate sa Laoag International Airlines. Lumalabas na marami ngayong pag-aalinlangan at katanungan sa pagkakaroon ng prangkisa ng LIA na pag-aari ng isang Malaysian na nagka-asawa ng isang taga-Ilocos.

Ano ba naman Tito, approve muna, bago tanong? Ganyan ba ang sistema n’yo diyan sa Senado? Ang lalong nakakainis ay kumikilos lamang ang mga pinuno sa pamahalaan kapag may nangyari nang sakuna. Hindi lamang ngayon, di ba? Kapag may lumulubog na barko at trahedya sa karagatan, may grabeng aksidente ng mga sasakyang lansangan. Mga imbestigasyon, wala namang nalalapatan ng karapat-dapat na kaparusahan. Ano bang bansa ito?

ADELBERTO YAP

AIR TRANSPORTATION OFFICE

ANO

IMEE MARCOS

LAOAG AIRLINES

LAOAG INTERNATIONAL AIRLINES

MANILA BAY

MIGUEL ZUBIRI

SI SOTTO

VICENTO SOTTO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with