Di dapat maging balasubas ang pari
November 14, 2002 | 12:00am
MATAPOS bumagsak ang CBCPNet, CBCPWorld naman ang itinatag ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Same dog with a new collar.
Kontrobersyal ang CBCP porke sandamakmak na milyones ang hindi nabayaran sa mga suppliers sa pagkalugi ng CBCPNet.
Wala tayong paki sa ano mang proyekto ng CBCP. Pero hindi pa nga nababayaran ang malaking utang ay nagtayo na naman ng katulad ng bumagsak na negosyo.
Maraming sinuba ng CBCP. Kabilang dito ang Quadpro Inc. na tiwalang nagpautang ng P12 milyong halaga ng mga computer equipment.
Ayon sa trader na si Jonathan Khonghun ng Quadpro, umamin sa kanya ang ilang opisyal ng CBCP na hindi nila na-audit ang mga transaksyon at account ng business partner nilang si Eman Lim. Dahil ditoy bumagsak ang CBCPNet.
Hindi dapat pahirapan ng CBCP ang mga suppliers nito sa sariling kapabayaan. Kung nalugi man ang negosyo, walang dapat sisihin ang mga obispo kundi ang kanilang mga sarili. Kung kailangang umutang muli para bayaran ang dating pagkakautang, gawin nila. Iyan ay malaking responsibilidad nila.
Siguradong malaking pondo na naman ang ginugol ng CBCP sa pagtatayo ng CBCPWorld. Pero hindi ba dapat na inunang bayaran ang multi-milyong pagkakautang nito? Pangit na ehemplo ang ipinakikita ng mga paring Katolikong ito. Itinuturo ng Biblia na walang sino man ang dapat tumalikod sa pananagutan. Pero ang nangyayari, mga leader pa ng simbahan ang nangunguna sa pagsira ng turo ng Diyos.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am