^

PSN Opinyon

Kahandaan

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
ANG ating Ebanghelyo sa Linggong ito ay isang talinghaga na nagsasalarawan sa paghahari ng Diyos bilang isang kasalan. Palagay ko lahat tayo ay nakakaintindi na kapag tayo’y dumalo sa isang kasalan, tayo ay dapat maging handa at preparado sa naturang okasyon.

Sinasabi sa atin ng talinghaga na may ilang abay sa kasal na hindi handa. Kung kaya’t hindi nila nadaluhan ang buong pangyayari (Mt. 25:1-13).

‘‘’Dito maitutuwid ang pagpasok sa kaharian ng Diyos: May sampung dalagang lumabas upang sumalubong sa lalaking ikakasal. Bawat isa’y may dalang ilawan. Ang lima sa kanila’y hangal at ang lima’y matalino. Ang mga hangal ay nagdala ng kanilang mga ilawan ngunit hindi nagbaon ng langis. Subalit ang matatalino’y nagdala ng langis bukod pa sa nasa kanilang ilawan. Nabalam ng dating ang lalaking ikakasal, kaya’t inantok silang lahat at nakatulog.

‘‘’Ngunit nang hatinggabi na’y may sumigaw: ‘‘Narito na ang lalaking ikakasal! Salubungin ninyo!" Agad nagbangon ang sampung dalaga at inayos ang kanilang ilawan. Sinabi ng mga hangal sa matatalino. ‘‘Bigyan naman ninyo kami ng kaunting langis. Aandap-andap na ang aming mga ilawan, e.’’ ‘‘Baka hindi magkasiya ito sa ating lahat,’’ tugon ng matatalino. ‘‘Mabuti pa’y pumunta muna kayo sa nagtitinda at bumili ng para sa inyo.’’ Kaya’t lumakad ang limang hangal na dalaga. Samantalang bumibili sila, dumating ang lalaking ikakasal. Ang limang nakahanda ay kasama niyang pumasok sa kasalan, at ipininid ang pinto.

‘‘’Pagkatapos, dumating naman ang limang hangal na dalaga. ‘‘Panginoon, papasukin po ninyo kami!’’ sigaw nila. Ngunit tumugon siya, ‘‘Sinasabi ko sa inyo: Hindi ko kayo nakikilala.’’ Kaya magbantay kayo, sapagkat hindi ninyo alam ang araw ni ang oras.’’


Kung kaya’t nakikita natin na ang paghahari ng Diyos ay tulad ng isang kasalan. Ito ay panahon ng kagalakan at kaligtasan. Ang paghahari ng Diyos sa atin ay kanyang handog. Ang mahalagang punto ay: Na tayo ay handang tumanggap nito. Kung ang handog ay inialay at tayo’y di-handang tanggapin ito, ito ay isang napakalaking kawalan. Ang kaligtasan ang pinakadakilang handog na iniaalay sa atin ni Jesus.

Ang talinghagang ito ay isang panawagan na magsisi at magbalik-loob. Dapat nating pagsisihan ang ating mga kasalanan na nagpapalayo sa atin sa paghahari ng Diyos. Ang paghahari ng Diyos ay isang kasalan. Tanging yaong mga handa lamang na tumanggap nito ang siyang makakapasok at makakadalo sa kasalan. Tunay nga, ang kaligtasan at kagalakan ay para doon sa mga handa.

AANDAP

BAWAT

BIGYAN

DAPAT

DIYOS

ISANG

KAYA

NGUNIT

SINASABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with