Asparagus, spinach at iba pang pagkaing gamot
November 10, 2002 | 12:00am
NAPATUNAYAN na ang asparagus ay napakayaman sa protina, bitamina, calcium at iba pang minerals na kailangan ng katawan. Ang halamang ito ay nagbubunga taun-taon. Gusto nito na itanim sa mabuhaghag at maasim na lupa at dapat na araruhin at suyuring mabuti ang lupang pagtatamnan ng punla. Napag-alaman na ang babaeng asparagus ay nagbibigay ng buto at may mahabang spears at mababa ang ani samantalang ang lalaking asparagus ay nagbibigay ng spears nang mas maaga at kahit ito ay walang buto ay malaki naman ang ani.
Kilala ang spinach bilang magic food ni Popeye, na hanggang ngayon ay paboritong cartoon character na pinapanood sa tv. Ang spinach ay gulay na mayaman sa Vitamin A at nagpapalakas ng resistensiya laban sa sipon, ubo at iba pang respiratory diseases. Ipinapayong kainin ang spinach ng mga diabetic at may kanser.
Sa mga may kidney stone o bato sa bato ipinapayo na palaging uminom ng sabaw ng buko, dalandan at oranges. Mabisa rin sa karamdamang ito ang pagkain ng malunggay, brocolli, carrot at seafoods at ugaliing uminom ng maraming tubig.
Ang ikmo na gamit ng matatanda sa pagnganganga ay napatunayang mabisang pampatibay ng ngipin. Ang nilagang dahon ng ikmo ay lunas sa indigestion, laryngitis at rayuma. Ang dahon ng ikmo na dinarang sa init ay itinatapal sa likod para madaling gumaling ang ubo. Itinatapal din ito sa iba pang kumikirot na bahagi ng katawan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended