^

PSN Opinyon

VACC para sa mga biktima

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
SA paglipas ng taon, naging saksi ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa samu’t saring pangyayari sa ating lipunan, lalo na sa mga bagay na kung saan ang buhay at kapakanan ng ating mga kababayan ay naaapektuhan.

Hindi na marahil kaila na ang pagkilala ng mga biktima ng krimen sa VACC bilang kaagapay ng mga ito sa pagsulong ng hustisya sa ating lipunan ay lubos na nagpapalakas sa diwa at layunin ng VACC na pag-ibayuhin pa ang laban para sa mga biktima ng krimen at katiwalian.

Ngunit sa paglipas ng mga taon hindi lamang pawang mga biktima ng krimen lamang ang naging pangunahing layunin ng VACC bilang isang pribadong samahan na nagsimula upang tulungan ang mga naaapi ng isang mahinangn sistema ng pangkatarungan.

Ginampanan na rin ng VACC ang tungkulin nito sa lipunan sa pagpuna sa mga pangyayaring humuhubog sa ating lipunan sa pamamagitan ng mga gawain ng ating pamahalaan at ang mga ahensiyang nakikipagtulungan dito upang itaguyod ang kapakanan ng taumbayan.

Ang kahinaan o criminal justice system, sa ating lipunan ay naging isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang hustisya sa ating bansa ay mahirap makamtan ng ating mga napakararaming kapus-palad na kababayan, lalo na’t kapag ang kalaban ng mga ito sa kanilang mga kaso ay pawang mga mayayaman o maimpluwensiyang mamamayan.

Ngunit huwag naman sanang isipin na pawang mga mahihirap lamang sa biktima ng krimen ang kinikilingan at tinutulungan ng VACC. Ang sakop ng pagtulong ng VACC ay para sa lahat ng nais humingi ng tulong nito sa pagsulong ng hustisya para sa kanilang mga hinaing, lalo na sa biktima ng mga karumal-dumal na krimen.

ATING

BIKTIMA

GINAMPANAN

HUSTISYA

KRIMEN

LIPUNAN

NGUNIT

VACC

VOLUNTEERS AGAINST CRIME AND CORRUPTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with