Hinalikan at hinipuan ng officemate
November 10, 2002 | 12:00am
Ako po ay empleyada ng isang medium-sized company sa Makati. Isang araw kinailangan naming mag-overtime ng officemate kong si Manolo. Alas-diyes na ng gabi nang makadama ako ng matinding pagod. Sinabi ko kay Manolo na iidlip lang ako sandali. Pumayag naman si Manolo at sinabi pa niyang wag ko raw alalahanin ang trabaho pang natitira dahil kaya na raw niya yung tapusin.
Nagpasalamat ako kay Manolo at natulog na ako. subalit 30 minuto marahil ang nakararaan ay bigla akong nagising dahil naramdaman kong hinahalikan at hinihipuan ako ni Manolo. Nagpipiglas ako at pinagsasampal siya. Gusto ko siyang idemanda dahil sa kawalanghiyaang ginawa niya sa kin. Ano ang maaari kong ikaso sa kanya? Consuelo Gorospe ng Makati City
Act of Lasciviousness ang ikaso mo kay Manolo.
Ang ibig sabihin ng lasciviousness ay makamundong pagnanasa sa isang lalaki o babae. Ito ay nagiging acts of lasciviousness kung: 1) Ang may sala ay gumawa ng kahit anong pagnanasa o pambabastos; 2) Kung ito ay ginawa sa kahit alin sa mga sumusunod na kondisyon: a) Ito ay ginamitan ng dahas o pamimilit; b) ang pagsasamantala o pambabastos bunga ng pagnanasa ay isinagawa habang ang biktima ay unconscious o walang malay at itoy hindi ayon sa kanyang kagustuhan; o c) ang biktima ay wala pang labingdalawang taong gulang; at 3) Ang biktima ay maaaring lalaki o babae.
Ang pinapahalagahan sa acts of lasciviousness ay ang pagnanasa na mababakas sa pambabastos o pagsasamantalang ginawa sa yo, anuman ang motibo nito. Ang kaparusahan sa acts of lascivousness ay prision correccional o pagkakakulong na mula anim na buwan at isang araw hanggang anim na taon.
Ang acts of lasciviousness ay naiiba sa kasong attempted o frustrated rape. Kung mapapatunayan ang pagnanais ng may sala na gahasain ang biktima, ito ay attempted o frustrated rape. Sa kasong ito, nagiging paunang hakbang lamang ng may sala ang pambabastos o pagnanasa hanggang ito ay magtatapos sa panghahalay. Sa acts of lasciviousness, ang pagnanasa o pambabastos lamang ang tanging balak ng may sala.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am