^

PSN Opinyon

Butas sa drug tests

SAPOL - Jarius Bondoc -
ISA’T KALAHATING buwan pala naiiwan ang traces ng marijuana sa dugo mula sa paghitit. Ang shabu, tatlong araw lang, hugas na. Ito ang pahayag ni Joevin Eusebio ng Department of Health. Kaya kinakausap ng DOH ang drug-testing clinics para gawing mas masinop ang resulta. Kasi, maaring makalusot ang shabu addict kung mag-water therapy. Makakakuha ng lisensiya sa pagmamaneho o baril imbis na mapa-rehab. Ang kawawa namang nakasinghot lang ng second-hand smoke mula sa humihitit ng marijuana ay maaring pagkaitan ng lisensiya o trabaho kung mag-positive ang drug test sa urine specimen.

‘Yan nga ang nangyari sa anak na dalaga ng leader ng malaking Catholic renewal group. Bagong graduate sa college ang bata. Mabait, masunurin, maka-Diyos. Nag-oorganisa ng prayer cell ng mga kabataan. Magre-renew siya ng driver’s license kamakailan, pero nag-positive siya sa marijuana. Ni-revoke tuloy ang lumang lisensiya at pinagbawalang kumuha ng bago sa loob ng anim na buwan. Nilagay sa computer blacklist ng Land Transportation Office para hindi makakuha sa kahit anong ahensiya ng LTO. Nagpa-test muli siya sa UERM Hospital at sa PNP Crime Laboratory. Negative naman. Siguro kaya nag-positive nu’ng una ay dahil umiinom siya ng kung anu-anong Chinese herbal tablets para tumangkad, kuminis ang kutis at luminis ang bituka. O baka nakasinghot ng second-hand marijuana smoke sa isang party.

Nasa pangangasiwa ng Dangerous Drugs Board ang drug-testing clinics. Pero ililipat sa Enero sa jurisdiction ng DOH. Ayon sa bagong R.A. 9165, tungkulin na ng DDB ang pagpuksa sa drug lords at paggamot sa addicts. Sa ilalim nito ang bagong Philippine Drug Enforcement Agency.

Sana makahanap ang DOH at testing clinics ng mas mabisang paraan para ma-detect ang shabu, sa ihi man o ibang bahagi ng katawan. Mas marami kasing gumagamit ng synthetic substance na ito, at mas mapinsala sa utak kaysa marijuana.
* * *
Abangan: Sapol ni Jarius Bondoc, Sabado, 8 a.m., sa DWIZ (882-AM).

ABANGAN

AYON

CRIME LABORATORY

DEPARTMENT OF HEALTH

DIYOS

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS BOARD

JARIUS BONDOC

JOEVIN EUSEBIO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with