^

PSN Opinyon

Ospital na may mga balasubas na empleyado

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
SA pamunuan ng GENERAL EMILIO AGUINALDO HOSPITAL, Trese Martires Cavite, turuan n’yong maging sibilisado ang inyong mga walang modong empleyado simula ngayon.

Hindi na namin ’to puwedeng palampasin matapos kaming makatanggap ng apat na reklamo mula sa mga kaanak ng mga pasyente ng inyong hospital.

Kung hindi n’yo alam, puwes ito ngayon ang kolum ang siyang nagsasabi bantayan n’yo ang mga balasubas n’yong empleyado partikular diyan sa inyong OB ward. Turuan n’yo sila kung ano ang ibig sabihin ng salitang respeto sa kapwa.

Hindi muna namin sila papangalanan. Inaantay lang namin silang mahulog sa "BITAG" ng aming "hidden camera" nang makita ang kanilang kapangitan at kawalanghiyaan.

Magsilbi sanang babala ito sa iba pang hospital na may mga abusadong empleyado. Wala kaming sinasanto. Hindi kami namimili at wala kaming pinipili.

Magbago na kayo, habang may pagkakataon pa. Maliban lamang kung ang gusto n’yo ay sumikat. Nakahanda kaming bigyan kayo ng "break" at paunlakan kayong makita ang inyong mga kagaguhan sa aming surveillance and undercover TV program ang "BITAG" sa ABC-5 tuwing Sabado, 5:00-5:30 ng hapon.
* * *
Nakahanda na sana ang aming grupo na isagawa ang aming "BITAG" surveillance operation laban sa malaking "institusyon" sa tulong ng isang asset na taga-loob.

Nakalatag na ang aming plano nitong nakaraang linggo. Pero paminsan-minsan may isang bagay na nangyayari na hindi natin inaasahan at tanging ang Poong Maykapal lang ang nakaaalam.

Nagulantang na lang ang aming grupo nang malaman namin nitong nakaraang Lunes na patay ang aming asset. Ngayon ko lang nakita na may "premonition" (pahiwatig) ang aming yumaong asset dahil minamadali niya ang aming grupo na isagawa agad ang aming surveillance operation.

Hindi dito nagwawakas at hindi pa tapos ang aming pakikipaglaban na mailantad ang pawang katotohanan at katiwalian sa institusyong ito.

Matatawag ko ito sa salitang Ingles "temporary setback". We will do whatever it takes to achieve our desired outcome. God knows that what we are doing. May librong pamagat, God sees the truth but wait. And time is on our side.
* * *
Para sa tips, reklamo’t sumbong tumawag o mag-text sa mga numerong ito (0918) 9346417 at telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga.

AMING

BIYERNES

INAANTAY

MAGBAGO

NAKAHANDA

POONG MAYKAPAL

TRESE MARTIRES CAVITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with