Ayon sa aking bubuwit, 51 days na lamang at Pasko na naman.
Happy birthday muna kay Francis Ladroma ng DZRH; Rep. Noli Fuentebella ng Camarines Sur; Rep. Neneng Garin ng Iloilo; Rep. Vicky Locsin ng Leyte; Rep. Joey Salceda ng Albay at Lyn Zabala.
Ayon sa aking bubuwit, marami ang nagulat nang makita nila ang sikat na misis ng isang congressman dahil nagwala sa isang kilalang bar.
Ang misis ng congressman kasama ang ilang kaibigan ay nagtungo sa Venecia Bar & Restaurant sa may Glorietta, Makati City.
Noong una ay matino pa namang kausap ang misis ng congressman pero dahil sa bigat yata ng kanyang problema ay dinaan na lamang ito sa pag-inom ng alak.
Ano ba Madam ang ininom mo?
Tequila ba, red wine o brandy?
Baka naman halo-halo na ang ininom mo kaya ka nalasing nang husto?
Nahawakan ito sa beywang kaya hindi bumagsak sa semento. Ang problema, ang tumulong na lalaki ay nagsamantala naman. Hinawakan sa boobs ang misis ng congressman. Maganda at sexy pa rin kasi si Misis.
Kahit paga-singkuwento anyos na ay punung-puno pa rin ng asim?
Kasi, bukod sa misis ng kongresista, siya ay mayaman pa at socialite.
Ayon sa aking bubuwit, nang kamuntikan nang bumagsak si Misis, dinala kaagad ng kanyang mga friend sa comfort room.
Nakakahiya ka naman Madam?
Pinagtitinginan siya ng mga babaing customer na nagpupunta ng CR. Nangamoy nang husto ang CR dahil sa suka ni Misis.
Matagal ding pinunasan ng hot towel ang misis ng kongresista bago nahimasmasan. Nang medyo naka-recover na ay saka siya inihatid sa kanilang bahay.
Grabe, naman yun?
Ayon sa aking bubuwit, ang misis ng congressman na naging lasenggera na ngayon ay walang iba kundi si
Ang isa yata sa problema nito ngayon ay kulang daw sa plenty kasi masyadong busy ang kanyang mister.
Ayon sa aking bubuwit, ang misis ng congressman na sumuka at hinimatay sa Venecia Bar sa Makati dahil sa sobrang kalasingan ay si Mrs. M. as in Maganda.
Siya ay asawa naman ni Rep. F.A. as in Flight Attendant.