^

PSN Opinyon

Mag-tren tayo

SAPOL - Jarius Bondoc -
DAHIL sa napipintong giyera sa Iraq, naiisip muli ng gobyerno ang tren. Kasi si Sheik Yamani, dating Saudi Arabia oil minister at ngayo’y hepe ng Organization of Petroleum Exporting Countries, ang mismong nagsabi na dodoble ang presyo ng langis sa mahabang giyera. Pangmatagalang solusyon diyan ay paggamit ng tren. Hindi na kailangan mag-angkat ng maraming langis.

Nais ni Speaker Joe de Venecia na ipaayos ang riles mula Manila papuntang San Fernando, La Union sa norte at Legazpi City, Albay sa sur. Kasama rin ang bagong linya mula Calamba, Laguna, hanggang Batangas City, at mula Legazpi hanggang Matnog, Sorsogon. Dagdag pa ang bagong riles sa Panay mula Iloilo City tungong Roxas City, at sa Mindanao mula Cagayan de Oro tungong Iligan.

Kuwenta ni De Venecia, P38 bilyon ang gastos. Pero mas murang hamak kaysa sa planong P60-bilyong monorail sa isang bahagi lang ng Metro Manila. Mas marami pang makikinabang. Tulad ng sa US nu’ng siglo-1800, manganganak ng kalakal sa bawat kanto ng riles at kalsada. Luluwag ang highway traffic. At dadali ang pagdala ng pagkain mula kanayunan tungong lungsod.

May problema nga lang. Sa pagsakay ni Presidente Arroyo sa tren kamakailan mula Manila hanggang Los Baños, Laguna, napansin na naglipana ang squatters sa tabing-riles. Sa ilang lugar, anim na pulgada lang ang pagitan ng kumakaripas na tren at yumayanig na barong-barong. Solusyon dito, ani De Venecia, ay patayuan ng tenements sa 15 metrong right of way mula sa riles. Sampung metro ang lapad ng tenements. May matitirang limang metro magkabila ng riles. Safe na.

Taon ang aabutin bago matapos lahat. Pero matitikman na rin nating mag-tren mula Luzon hanggang Mindanao. Lalo na kung matuloy ang gusto ni De Venecia: Dagdag pang riles mula La Union tungong Ilocos Sur at Norte, Cagayan, Isabela, Nueva Viscaya, Nueva Ecija, Bulacan at pabalik ng Manila. Dagdag pa ang riles sa Samar hanggang Leyte, sa buong Cebu at Negros, at paikot ng Mindanao.

BATANGAS CITY

DAGDAG

DE VENECIA

ILOCOS SUR

ILOILO CITY

LA UNION

LEGAZPI CITY

MINDANAO

MULA

RILES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with