^

PSN Opinyon

'Tingnan ko ang tigas mo Ben Tulfo!'

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
MALINAW na ako sa simula pa lang. Hindi NGAWA ang kolum na ’to. Diretso ako sa aking pananalita. Wala akong pakialam kung hindi magugustuhan ninuman ang kanilang mababasa ngayon.

Alam ng mga mambabasa kung sino ’yung lehitimo at mga mapagkunwari sa propesyong ’to. Alam nila ang ibig sabihin ng salitang RESULTA. Ito ang ginawa nilang ‘‘panukat.’’

Malungkot pakinggan na ginagamit lang daw bilang ‘‘materyales’’ ng ilan sa mga kapatid namin sa hanapbuhay ang kanilang mga idinulog na mga impormasyon, reklamo’t sumbong.

Hindi sila masisisi kung kaya’t nagkaroon sila ng sariling pamantayan base sa kanilang mga naranasan. Sana magising na ang ilan sa amin sa industriyang ito sa larangan ng tinatawag nating serbisyo publiko.
* * *
Narito ang isang mahalagang text message na ipinadala sa amin. Hindi namin puwedeng idetalye pa ang kanyang impormasyon. Tinatanggap namin ang kanyang hamon. Pagmasdan ang kanyang salitang pambungad na kanyang ginamit.

‘‘Tingnan ko ang tigas mo Ben Tulfo"…
Tsk… tsk… tsk… mga alagad daw ng batas ang sangkot sa smuggling na ’to. Ayon sa texter, kasama raw ang mayor ng nasabing lugar. Nasa payroll pa raw ang ilan sa mga tabloid reporters.

Aniya, ‘‘if you publish this in your column, surely gagawa sila ng paraan para ayusin ka nang huwag lumabas sa media ang kanilang kawalanghiyaan. Tingnan ko ang tigas mo’’ 0920-2082497.

Tahasan naming sasabihin na hindi nabibili at hindi kami ipinagbibili. Bago namin isagawa ang aming surveillance undercover operation gusto naming makipag-ugnayan muna sa impormante. Kung maaari ay tumawag ka sa aming landline sa lalong madaling panahon 932-5310/932-8919.
* * *
KILOS PRONTO, UPDATE: Matapos naming maisagawa ang aming surveillance sa loob ng Don Pedro Subdivision ng Barangay Marulas, Valenzuela City, nitong nakaraang Martes ng gabi agad kumilos ang mga kinauukulan.

Tungkol ito sa inutil at mapanganib na 40 foot trailer truck na nakatiwangwang papasok sa loob ng nasabing subdivision. Nakunan namin ito ng video footage ng aming mga undercover base sa text message na aming natanggap.

Pag-aari umano ito ng nagngangalang Joey Hizon. Agad tinanggal sa nasabing lugar ang 40 foot trailer matapos namin kaladkarin ang mga opisyales ng barangay patungo sa tahanan ng pamilya Hizon nung Martes din ng gabi.
* * *
Para sa tips, reklamo’t sumbong tumawag sa mga numerong ito (0918) 934-6417 at telepono 932-5310/932-8919. Makinig sa DZME 1530 khz, Lunes hanggang Biyernes, 9:00-10:00 ng umaga.

ALAM

ANIYA

BARANGAY MARULAS

BEN TULFO

DON PEDRO SUBDIVISION

JOEY HIZON

TINGNAN

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with