Mabuti nga ba ang free trade?
November 4, 2002 | 12:00am
WALA raw tayong magagawa sa globalisasyon. Sa panahon daw na ito, hindi na puwedeng hadlangan ng mga bansa ang pagpasok ng produkto mula sa ibang lugar. Dapat sumali lahat sa World Trade Organization. Kung hindi, pagkakaisahan ng mundo na huwag ding bumili ng produkto ng suwail na bansa.
Maghihirap ito.
Sa free trade raw na dulot ng globalisasyon, matitikman ng bawat bansa ang murang produkto ng iba. Bababa ang presyo ng bilihin. Lahat makakakain at mamumuhay nang sapat.
Ows? O ayan, sa ngalan ng free trade, pumasok sa Pilipinas ang sobrang semento ng Taiwan. Nagsara ang pitong pabrika sa Luzon at halos malugi ang tatlo pa. Maraming nawalan ng trabaho. Mura nga ang semento, pero may pambili ba ang walang kinikita?
Buti kung semento lang. Dumagsa ang gulay mula sa Australia at mais mula sa China. Bumagsak nga ang presyo ng karot, pechay at mais. Pero kinain ang dating kita ng maggugulay sa Cordilleras at magmamais sa Nueva Ecija. Mura nga ang bilihin, wala naman silang pambili.
Dumadagsa na rin ang karne, isda, damit, tela at iba pang gawa sa ibang lugar pero produkto rin ng Pilipinas.
Patas ba talaga ang free trade, o pabor lang sa malalaking bansa? US ang pinaka-masugid sa free trade. Pero nang umangal ang American steel factory owners sa pagdagsa ng bakal mula Russia at South America, pinatawan ni George W. Bush ang imports ng 30-porsiyentong taripa. Naka-angal ba ang ibang bansa? Hindi.
Sa Europe ang headquarters ng WTO. Pero hindi nito madisiplina ang European Union. Bilang tulong daw ng EU members sa mga dating kolonya sa Africa, Latin America at Pacific, inalis nila ang taripa sa tuna imports. Pero ang Pilipinas na 350 taon sa ilalim ng Spain, tinarakan ng 30-porsiyentong taripa ang tuna mula sa GenSan. Free trade ba yon?
Abangan: Linawin Natin, tuwing Lunes, 11:30 p.m., sa IBC-13.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest