EDITORYAL Bigyang katahimikan ang bansa
November 4, 2002 | 12:00am
GUMAGAPANG ang terorismo at nayayanig sa bomba at pananakot ang mamamayan. Ang mga makakaliwa ay nagbabanta na magsasabog ng karahasan. Patuloy ang paglala ng krimen at kahit saan ay nanganganib ang kaligtasan ng mamamayan. Nakatatakot ang planong pagsalakay ng United States sa Iraq at tiyak na madadamay ang maraming ovearseas Filipino workers (OFWs). Habang patuloy ang pagbabanta ng giyera, umalagwa ang presyo ng langis at sunud-sunod na tumaas ang gasolina. Apektado ang mahihirap na mamamayan.
Mas matindi ang bagong bomba na nakatakdang ibagsak ng ilang grupo sa administrasyong Arroyo. May grupong nagtatangkang pabagsakin ang pamahalaan. Magtatayo ng panibagong gobyerno. Ayon sa report na natanggap ng military at pulisya, may mga kasamahan sila na nagre-recruit ng mga supporters para pabagsakin ang gobyerno.
Sinabi naman ng Rebolusyunaryong Alyansang Makabansa (RAM) na may isang faction ang mga rightist group na nagbabalak ibagsak ang pamahalaan. Sinabi ng RAM na hindi nila susuportahan ang anumang pagpapabagsak sa pamahalaan.
Ang mga nagnanais magsagawa ng destabilization ay mga miyembro at opisyal ng military at PNP na nagsasawa na sa kabulukan dahil sa "bata-bata system". Hindi lamang mga opisyal at sundalo ang nasa likod ng destabilization kundi mayroon ding mga civilian na nagnanais ng pagbabago sa gobyerno.
Ang bansa ay dalawang beses nang nakaranas na magpatalsik ng corrupt na leader. At nagtagumpay ito dahil sa suporta ng military. Kung walang military hindi maaalis ang corrupt na leader. Ganoon din naman, hindi magtatagumpay ang kudeta na hindi sinusuportahan ng mamamayan. Ganyan ang nangyari sa gobyerno ni President Cory Aquino na niyanig ng pitong kudeta. Hindi nagtagumpay ang mga sundalong rebelde na agawin ang gobyerno.
Ang mga grupong naghahangad na pabagsakin ang gobyerno ay gutom sa kapangyarihan. Sila ang kalaban ng mamamayan. Ayaw bigyan ng katahimikan ang bansa. Hindi makapaghintay na matapos ng kasalukuyang Presidente ang termino. Sa halip na tulungang makabangon ang bansa ay inilulubog pa sa kumunoy ng kahirapan. Sanay mabuksan ang kanilang isipan at magbigay-daan para masumpungan ang katahimikan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest