Mahirap tanggapin ang katotohanang maraming kahinaan sa ating justice system. Hanggang ngayoy dinaranas pa rin ng mga biktima ang karahasan at ng sistema. Kung bakit ganito ang takbo ng sistema ay isa pa ring palaisipan.
Nakalulungkot tingnan ang kasalukuyang kalagayan ng mamamayan, na sa kabila ng lumalalang krisis sa bansa bunga ng katiwalian ay umaasa pa rin na kasaganaan sa darating na kapaskuhan.
Maraming biktimang nagsasabing ginamit lamang sila ng pamahalaan para sa pansarili nitong kapakanan. Hanggang sa ngayon ang mga ipinangakong hustisya at pagtulong sa mga ito ay nananatiling mga pangako pa rin.
Hindi natin maikakaila na naghihirap pa rin ang kalooban ng marami sa ating mga kababayang biktima ng mga karumal-dumal na krimen. Hindi natin maalis ang kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang tanging magagawa na lamang ng lipunan ay maibsan ito sa pagbibigay ng hustisya para sa mga biktima, kung kailan ay ipanalangin na lang natin.