^

PSN Opinyon

Hustisya sa mga biktima ng karahasan

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
Kamakalawa ay ginunita natin ang kaluluwa ng mga yumao. Mahirap tumayo sa kalagayan ng mga pamilya ng mga biktima ng karahasan, na hindi tulad sa mga yumao bunga ng sakit o aksidente. Mas masakit lalo na’t hindi pa nabibigyan ng hustisya ang kanilang mga mahal sa buhay. Marami sa mga biktimang ito ay pawang mga kabataan, na ang kanilang mga talino at kakayahan ay siyang tanging pag-asa ng kanilang mga magulang at mga kapatid.

Mahirap tanggapin ang katotohanang maraming kahinaan sa ating justice system. Hanggang ngayo’y dinaranas pa rin ng mga biktima ang karahasan at ng sistema. Kung bakit ganito ang takbo ng sistema ay isa pa ring palaisipan.

Nakalulungkot tingnan ang kasalukuyang kalagayan ng mamamayan, na sa kabila ng lumalalang krisis sa bansa bunga ng katiwalian ay umaasa pa rin na kasaganaan sa darating na kapaskuhan.

Maraming biktimang nagsasabing ginamit lamang sila ng pamahalaan para sa pansarili nitong kapakanan. Hanggang sa ngayon ang mga ipinangakong hustisya at pagtulong sa mga ito ay nananatiling mga pangako pa rin.

Hindi natin maikakaila na naghihirap pa rin ang kalooban ng marami sa ating mga kababayang biktima ng mga karumal-dumal na krimen. Hindi natin maalis ang kanilang pagdadalamhati sa pagpanaw ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang tanging magagawa na lamang ng lipunan ay maibsan ito sa pagbibigay ng hustisya para sa mga biktima, kung kailan ay ipanalangin na lang natin.

vuukle comment

BIKTIMA

HANGGANG

KAMAKALAWA

KANILANG

MAHIRAP

MARAMI

MARAMING

NAKALULUNGKOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with