^

PSN Opinyon

Banta sa mga corrupt

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Isang survey ang ginawa sa 102 bansa at natala ang Pilipinas na ika-11 sa pinaka-corrupt. Nakakahiya pero totoo kaya naman hangad ng gobyerno na pag-ibayuhin ang kampanya sa mga tiwaling kawani sa lahat ng sangay ng pamahalaan.

Nanawagan si Civil Service Commissioner Karina David sa mga tiwaling taong gobyerno na hindi na magtatagal ang kanilang masamang gawain. Isang problema kung bakit hindi sumusulong ang maraming proyekto ng pamahalaan. Ayon kay David, kadalasan ang mga sasakyan ng pamahalaan na for official use only ay ginagamit sa personal na lakad ng ilang empleyado.

Maraming report na ang mga government vehicles ay ginagamit na panghatid sa eskwelahan ng mga anak at gamit din ni Misis sa kanyang pamamalengke, pagsa-shopping, paglalamyerda at maging sa pagpipiknik ng pamilya. Marami ring government vehicles ang nakikitang naka-park sa mga restawran, night club at iba pang entertainment places. Ayon kay David dapat na kunin ang plate number ng mga sasakyan at i-report sa kanyang tanggapan.

Isa pa ring raket ng mga abusadong empleyado ay ang pang-uumit ng bond paper, lapis, ballpen, stapler at iba pang gamit na inuuwi nila sa bahay. Ang salaping ibinili ng mga kagamitang ito ay buhat sa buwis ng mga mamamayan.

Anumang reklamo sa mga tiwaling taong gobyerno ay maaring isulat o itawag sa CSC at puwede ring i-text sa (0917) 8390672.

Panahon na para malipol ang mga tiwaling taong gobyerno.

vuukle comment

ANUMANG

AYON

CIVIL SERVICE COMMISSIONER KARINA DAVID

ISA

ISANG

MARAMI

MARAMING

MISIS

NAKAKAHIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with