^

PSN Opinyon

Traffic Pinoy style

KAPAG MAY KATWIRAN - KAPAG MAY KATWIRAN ni Jopet Sison -
Ang pinakamalapit na distansiya mula sa isang pinto patungo sa kabilang pinto ay deretsong linya. Dahil dito, makatwirang ang argumento na ang pinakaderetsong linya ay iyon ding pinakamabilis na gamitin upang makapunta sa isang pinto papuntang kabila. Ito ang kasabihang may batayang makatwiran.

Pero sa takbo ng traffic ngayon sa Metro Manila, makikita natin na ang argumentong ito ay hindi totoo. Ang pinakamalapit na distansiya ay hindi ang pinakamabilis. Dahil sa dami ng sasakyang dumadaloy, nagkakaipitan sa mga intersections ng highway, na kailangang magpalitan ng panahon upang dumaan. Bago makatawid ng intersection, mahabang panahon ang gugugulin. Maikling distansiya, ngunit napakatagal tahakin.

Isang simple, praktikal at makabuluhang pagbabago ang ginawa ng MMDA sa mga intersection na mabigat ang traffic. Pinakakanan ang mga sasakyan sa maluluwag na karatig kalsada at pinapa u-turn pabalik sa kalsadang pinanggalingan. Ang daloy ng mga sasakyan ay tuloy-tuloy. Napakaraming intersections ang lumuwag. Matatawag nating tunay na brilliant ang desisyong ito.

Ang bus stops din ay nagreresulta lang ng pag-iipon ng mga bus sa iilang bahagi ng highway, dahilan ng traffic sa mga lugar na ito. Ang solusyon, wala nang bus stops. Kahit saan sa EDSA maaari nang magsakay. Nakakalat ang mga pasahero at hindi nagkukumpol sa isang lugar ang mga bus. Simple at epektibong solusyon sa matagal ng problema sa traffic.

Gustuhin man natin, ang patakaran ng trapiko sa ibang bansa tulad ng Amerika, ay hindi uubra sa Pilipinas. Talagang mas marami tayong sasakyan, bus, jeepney dito, at mas makikitid at kaunti ang mga kalsada. Kaya kailangan natin dito ay mga traffic regulations Pilipino style na binibigyang halaga ang kultura at realidad at limitasyon ng bansa.

vuukle comment

AMERIKA

DAHIL

GUSTUHIN

ISANG

KAHIT

KAYA

MAIKLING

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with