^

PSN Opinyon

'Palusot' ng Fabella Memorial Hospital

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo -
UPDATE: Narito ang paliwanag ng pamunuan ng DR. JOSE FABELLA MEMORIAL HOSPITAL, isa sa mga nahuli ng aming video camera sa ‘‘Operation Red Plate’’ na ipinalabas sa programang "BITAG’’ sa ABC-5 noong October 5, taong kasalukuyan.

‘‘This is to inform you that the undersigned with some key hospital officials and staff like the Medical Center Chief, Personnel Officer and some clerical staff had a late dinner at Mario’s Restaurant after working late in the evening on that particular day to discuss different matters such as preparation of the plan for the implementation of salary payment of employees thru ATM effective October 01, 2002, preparation of necessary documents for the benefits to be granted to hospital employees and appointments of newly hired and promoted employees and others. We find no impropriety in dining out after a hard day’s work.’’


BITAG’S RESPONSE"
Ang mga parokyano ng Mario’s na isa sa mga prominenteng restaurant sa Timog, Quezon City ay mga high profile personalities, mga corporate business executives, showbiz personalities at mga pulitikong ‘‘mapepera.’’

Ang perang ginastos n’yo sa Mario’s ay pera ng pamahalaan! At yang sasakyang ‘‘red plate’’ na ginamit n’yo ay pag-aari rin ng pamahalaan. Huli kayo ng ‘‘BITAG’’ sa alanganing oras at alanganing lugar. Wala bang restaurant sa Maynila na malapit sa ospital ninyo?

Naghihigpit na nga ng sinturon ang ating pamahalaan dahil sa kakulangan ng pondo sa Department of Budget and Management (DBM) kasama na rito ang Department of Health (DOH), kayo naman sa Mario’s lang!

Ang sasarap pala ng buhay n’yo diyan sa Jose Fabella Hospital. Parang ang laki ng kinikita ng Fabella Memorial Hospital. Sige humirit pa kayo! Tsk… tsk…tsk…

Nagpapasalamat ang kolum na ’to sa mga tumugon sa panawagan namin sa programang ‘‘BITAG’’ sa ABC-5 na mga nagpadala ng kanilang ‘‘video footages,’’ na naglalaman ng mga larawan ng kapabayaan at panganib sa kanilang kinaroroonan.

Kasalukuyan namin ngayon isinasailalim sa masusing pagsusuri ang mga nilalaman ng kanilang video footages sa tulong ng aming board of segment producers.

Patuloy ang aming panawagan sa lahat ng mga concerned citizens, civic minded individuals ng ating lipunan na maging kabahagi ng Tri-media investigative team.
* * *
Panoorin ang ‘‘BITAG’’ sa ABC-5 bukas alas-5 hanggang alas-5:30 ng hapon. Para sa tips, reklamo’t sumbong tumawag sa mga numerong ito (0918) 934-6417 at telepono 932-5310/932-8919.

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

DEPARTMENT OF HEALTH

FABELLA MEMORIAL HOSPITAL

JOSE FABELLA HOSPITAL

MARIO

MEDICAL CENTER CHIEF

OPERATION RED PLATE

PERSONNEL OFFICER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with